Woman present at husband’s previous wedding when she was 9

Ang Tiktok post ni Renata Fadhea ay nakapukaw ng atensiyon ng mga netizens

Siya ay 24-year-old Indonesian, at ang throwback photo na tampok sa kanyang post ay kuha sa isang kasal, kung saan isa siya sa mga bisita ng newlyweds.

Noong 2019, sa edad na 19, nagkita si Renata at ang isang malayong kamag-anak na lalaki na 57 years old. Kalaunan, naging magkarelasyon sila sa kabila ng 38-year age gap.

Di nagtagal, nadiskubre ni Renata na nag-krus na pala ang landas nila ng kanyang nobyo noong isa pa lamang siyang musmos.

Renata Fadhea and husband

WOMAN DISCOVERS AN OLD WEDDING PHOTO

Sa unang taon ng kanilang relasyon, nakalkal ni Renata ang lumang wedding photo album ng nobyo sa second wife nito.

Nagulat si Renata nang makitang nandun siya bilang guest.

Nine years old lamang noon si Renata habang 47 years old na ang groom.

Sinong mag-aakala na sa taong 2020, ikinasal ulit ang groom at si Renata ang naging bride.

Ang TikTok post na ito ni Renata ay in-upload noong January 15, 2024, at ngayon ay mayroon nang 7.1 million views.

Nag-viral ito at tumanggap ng napakaraming comments mula sa netizens—ang iba ay hinusgahan si Renata at may ibang kumuwestiyon dahil tila nakalimutan niya ang okasyon gayong nine years old na siya noon.

Gumawa tuloy ng follow-up post si Renata.

Young Renata Fadhea and husband
Renata Fadhea and current husband

RENATA’S CLARIFICATION ABOUT HUSBAND AND HIS PREVIOUS WEDDING

Hindi raw niya inasahang pag-uusapan ang kanyang post sa TikTok.

Paliwanag niya, ang okasyon na naganap noong 2009 ay second wedding ng groom, na malayong kamag-anak na pamilya ni Renata.

Taong 2011, naghiwalay ang groom at ang bride nito sa photo.

Muling nagkita si Renata at ang groom noong 2019 o makalipas ang isang dekada. Matagal nang single na noon ang lalaki.

Nagkamabutihan ang dalawa at nauwi iyon sa pag-iibigan.

Ikinasal sila noong 2020 at nagkaroon ng anak noong 2021.