Xian Lim flexes BTS of new movie with girlfriend Iris Lee

Xian Lim posts Kuman Thong behind the scenes photos with Iris Lee

Napansin ng netizens na ilang araw pagkatapos umamin ni Xian Lim sa totoong estado ng relasyon nila ng movie producer na si Iris Lee, nag-flex na siya ng larawan nilang dalawa sa Instagram.

Kahapon, May 5, 2024, ibinahagi ni Xian ang ilang behind-the-scenes photos ng pelikulang kanyang pinamamahalaan bilang writer-director, ang Kuman Thong.

Sa Thailand kinukunan ang mga eksena ng pelikula, kung saan si Iris ang producer.

Sa mga ibinahaging BTS ni Xian, makikitang kumportable sila ni Iris sa location na magkatabi pa sa mga upuan nila sa set.

Xian Lim and Iris Lee on the set of the movie Kuman Thong

Ang inilagay lamang na caption ni Xian sa post ay ang title ng pelikula.

Sa isang post ng social media personality na si Senyora, biniro niya ang bagong showbiz couple, “Iba talaga pag nilegal na. Flex agad eyyyyy!”

Marami pang netizens ang nag-post ng kahalintulad na larawan at iba’t iba ang kanilang komento pero tungkol pa rin ito sa relasyon ng aktor at movie producer.

XIAN LIM ON IRIS LEE: “WE ARE VERY HAPPY”

May 2, 2024, kinumpirma ni Xian na may namamagitan nga sa kanila ni Iris sa eksklusibong panayam niya sa Esquire Philippines.

Inusisa ng online magazine si Xian kung may katotohanan ba ang mga naglalabasang espekulasyong may relasyong namamagitan sa kanila ni Iris.

Diretsong sagot niya: “Yes, I’m seeing Iris.

“Just to clear everything, to clear all the speculations.

“We are seeing each other and we are very happy.”

Sabi ni Xian sa Esquire Philippines, nagdesisyon siyang magsalita, halos limang buwan matapos ang kontrobersiyal na announcement ng breakup nila ni Kim Chiu.

Ito raw ay upang bigyang-linaw ang mga haka-haka sa dahilan ng paghihiwalay nila ng dating nobya na wala naman daw katotohanan.

December 23, 2023, kinumpirma nina Kim at Xian sa publiko na nagtapos na ang labindalawang taon nilang pagmamahalan.

Walang binanggit na dahilan ang dalawa, ngunit “mutual decision” daw ang kanilang paghihiwalay.

XIAN LIM ON KIM CHIU SEPARATION

Saad ng Kapuso actor-director sa panayam ng Esquire: “I am ready to talk about it.

“It’s just all over the place and, I think, ang dami nang dagdag, ang dami nang bawas. Naglabas naman kami [ni Kim] ng statement to clarify things.

“Of course, we have so much respect for our supporters. And yung na-build namin over the course of twelve years.

“But things in life happen. The unexpected happens and we broke up.

“It just pains me na maraming hearsay, maraming dagdag-bawas sa kuwento.”

Diin ni Xian, “Una sa lahat, Iris is a talented filmmaker.

“She’s my producer and she’s also my creative partner.”

XIAN LIM SAYS IRIS LEE NOT THIRD PARTY

Isa-isa ring sinagot ni Xian ang kaliwa’t kanang akusasyong ibinabato ng netizens sa kanila ni Iris.

Una na rito ang pagkakadiin kay Iris, na ito umano ang sumira sa mahigit isang dekadang relasyon nina Xian at Kim.

Pagbabahagi ng Kapuso actor, “These are the things that I want to clarify, number one: that there was a third party.

“There’s no third party. That’s it. That plain and simple.”

Mariin ding pinabulaanan ng aktor ang napabalitang sikreto silang ikinasal ni Iris at nagli-live in na sila.

Paglilinaw niya: “Another rumor: when I see my friends—the people who are the last to even care about these things—kino-congratulate na ako.

“They say, ‘Congratulations on the marriage in New York!’ And I’m, like, ‘No, I am not married.’

“And there’s also this one absurd article, or a thing said about me, that I have been living with someone for years na daw.

“The only people I live with is my mom, my lola, my lolo. These are the things na, parang, it’s just so absurd and it’s just… why?!

“Things happen in life that we’re not going to be able to control. And as much as we don’t want it to happen, life happens.

“And it just pains me na parang may mga taong nadamay. That just really saddens me and that’s very unfortunate.”

Dagdag pa niya, “Ang busy-busy ni Iris, ang busy-busy ko. She has a lot on her plate, and I have a lot on my plate.

“And, you know, she doesn’t deserve all that flak. We don’t deserve that because all the things na people are saying, there’s no truth to any of it.”

KIM CHIU’S REACTION TO XIAN LIM’S ADMISSION

Samantala, hindi naman napigilang maging sentro ng biruan si Kim sa It’s Showtime noong tanghali ng Biyernes, May 3, 2024.

Ito ay matapos ang pag-amin ni Xian, ex-boyfriend ni Kim, na dating sila ni Iris.

Sa opening spiels ng noontime show noong araw na iyon, winelcome ng mga host na sina Kim, Anne Curtis, Vhong Navarro, at Jhong Hilario ang “TNT Kids Season 2” grand winner na si Kim Hewitt na muling bumalik at nagtanghal sa programa.

Sabi ni Anne, “We love all the Kims and we love you Kimmy.”

Niyakap ni Anne si Kim matapos nito.

Hirit naman ni Vhong, “Gusto mo bang magsampol, Kim?”

Dagdag ni Anne, “Anong gusto mong kantahin?”

Makulit na biro ni Jhong, “Gusto mo interbiyuhin ka na lang namin?”

Sagot ni Kim, “Hindi. Huwag ganun, hindi masakit.”

Hindi na rin nila pinilit pang maungkat ang isyu kay Kim at sa ex-boyfriend nitong si Xian.

Patuloy pa ring inaantabayanan ng publiko kung kailan magsasalita si Kim ukol sa mga rebelasyon ni Xian.

KUMAN THONG

Isang horror movie ang Kuman Thong na tungkol sa mga burnt fetus na naghahatid umano ng suwerte at proteksiyon kapag inalagaang mabuti.

Ito ang dahilan kung bakit namataang magkasama sina Xian, Iris, at ilang miyembro ng kanyang team na lumipad sa Thailand noong unang linggo ng Marso 2024 para sa location hunting.

Ito ang follow-up project ni Xian sa Hello, Universe, ang debut directorial job ng aktor sa Viva Films, ang home studio niya.

Ang Hello, Universe ang comedy movie na si Xian din ang sumulat ng kuwento, pinagbidahan ni Janno Gibbs, ipinalabas sa mga sinehan noong Enero 2023, at nagkaroon ng successful run sa Netflix noong Abril 2023.