Xian Lim ka-live in na si Iris kahit dyowa pa si Kim, true kaya?

TRULALU nga kaya ang chika ng social media personality na si Xian Gaza tungkol sa kanyang katukayo na si Xian Lim?

Sa kanyang Facebook post nitong Martes, March 26, isang pasabog ang ibinunyag ng self-proclaimed “Pambansang Marites na Lalaki” tungkol sa dating dyowa ng Kapamilya actress na si Kim Chiu.

Chika ni Xian, matagal na raw magkasama sa iisang bahay ang Kapuso actor at ang producer na si Iris Lee.

Dagdag pa niya, nangyayari raw ito kahit in a relationship pa siya sa “It’s Showtime” host.

“Nag-live in na sila ni Iris Lee habang jowa pa niya si Kim Chiu kompirmd,” sey ni Xian Gaza.

“AN’LALA HINDI AKO NAKAKAPIT” dagdag pa niya.

Biro pa ni Xian sa katukayo, “OKAY FINE HINDI DAW LIVE IN. SLEEP OVER LANG EVERYDAY.”

May mga nag-comment naman sa kanyang post.

“Mga Xian tlga oh..Tsk tsk tsk,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Ansaket naman non marsi wala bang pa [Facebook] live dyan?”

“Mangilin ka naman sa tsismis. Baka magalit si papa Jesus,” biro naman ng isang netizen.

Napag-usapan naman nina Ogie Diaz sa kanilang “Showbiz Update” ang nasagap nilang chika kung kailan nga ba nagkakilala sina Xian at Iris.