Home Trending Yasmien Kurdi, umalma sa pagkaka-delete ng gender-reveal video

Yasmien Kurdi, umalma sa pagkaka-delete ng gender-reveal video

Yasmien Kurdi: “Nakakaloka! Ang i-report niyo po ay ang mga malalaswang contents, huwag po yung wholesome contents. Isipin po natin ang mga anak at magiging anak natin. Anong klaseng mundo ba natin sila gusto palakihin?”

PHOTO/S: @YASMIEN_KURDI ON INSTAGRAM
Nasa reels na ni Yasmien Kurdi ang video ng gender reveal sa kanyang ipinagbubuntis.

Ang una niyang post sa Instagram ay nag-bake siya ng gender reveal cake, pero hindi pa ni-reveal kung baby boy o girl.

Sa post niya nitong Lunes, April 22, 2023, nahiwa na ang cake at kulay pink ang nasa loob nito.

Ibig sabihin, babae muli ang magiging anak ni Yasmien at ng mister niyang si Rey Soldevilla.

Isa sa tuwang-tuwa ay ang panganay nilang anak na si Ayesha, dahil meron na siyang baby sister.

YASMIEN TO GIVE BIRTH ANYTIME

Anytime ay manganganak na si Yasmien dahil nasa full-term na ito. Hinihintay na lang daw niya ang payo ng OB Gyne niya kung magpapa-confine na siya sa hospital.

“Waiting na lang po…. mag-try po kasi ako mag normal delivery [praying emoji]. So, tomorrow ko po malalaman kung qualified ako,” text sa akin ni Yasmien nang kinumusta ko ito nung Lunes ng gabi.

Caesarean operation ang una niyang panganganak at itong sa pangalawa ay gusto sana niyang maging normal delivery.

Nung nakaka-text ko siya ay wala naman daw siyang nararamdaman, pero pinaghahandaan niya na anytime ay ipapasok na siya ng hospital.

“Check pa din po mga parameters like, laki ng baby, thickness ng scarring from previous CS etc… kung puwede po ako mag-normal. Pero kung di pasok, walang choice, kundi mag-CS po uli,” text uli ng Kapuso actress.

May naisip na pala si Yasmien na ipapangalan sa magiging baby girl niya. Pero saka na lang daw niya i-share.

Masaya lang si Yasmien dahil ang dami naman niyang na-achieve habang nagbubuntis siya.

Nakapagtapos siya ng Baking and Pastry Arts, naayos pa niya ang ipinare-renovate nilang bahay, at naasikaso pa niya ang kanyang Mommy na nagpapa-dialysis.

Nka-focus muna ang Kapuso actress sa kanyang pamilya at magiging baby kaya matagal-tagalan pa siya bago makabalik sa pag-aartista.

Naghimutok si Yasmien sa Facebook at Instagram ngayong Abril 23, Martes ng hapon.

Hinaing ng Kapuso actress: “Just last night we posted a video of our mini GENDER REVEAL and to our surprise this was taken down today both on fb ang IG due to bullying and harassment.

“We get reported a lot for wholesome contents. Hindi ko maintindihan kung bakit offensive na ang ganitong mga bagay ngayon, at ang kalaswayan tulad ng paghuhubad at pagmumura etc ay tanggap na tanggap.”

Panay-panay ang online emote ni Yasmien kaugnay rito, “Nakakagigil!!!!!!!! Sino may kakilala sa FB and IG Philippines?! sobrang off nito! paano naging harassment ang Gender Reveal dapat tinatanggal nila yung mga kalaswaan at paghuhubad sa socmed! Isama na din nila yung mga nagmumura! nakakagigil!

“Binalik yung sa FB pero yung sa IG, di pa din… ang tiyaga mag report ng wholesome contents ng taong to! magkahiwalay talaga?!

“Nakakaloka! Ang i-report niyo po ay ang mga malalaswang contents, huwag po yung wholesome contents. Isipin po natin ang mga anak at magiging anak natin. Anong klaseng mundo ba natin sila gusto palakihin?”

NOEL FERRER

Congratulations, Yasmien Kurdi!

At heto, may kasunod ka na ring taga-StarStruck na nagdadalantao rin — si Sheena Halili, na excited din sa panibagong baby sa buhay nila.

Kahit walang baby reveal, ok lang.

Gusto ko rin ang disposisyon ni Sheena sa buhay niya, masayahin at hindi mabigat. Isa rin siya sa maaasahan sa pagdating sa pag-arte.

Sana, kapag nakapanganak na siya, i-consider din niya ang pagbabalik-showbiz.