Yassi Pressman to Governor Luigi Villafuerte: “Napaka-espesyal mo, alam mo na yun!”

Sweet na sweet si Yassi Pressman at ang rumored boyfriend niyang si Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte sa special screening ng pelikula ng aktres na Video City.

Ginanap ang screening sa SM Naga noon pang September 24, 2023, pero ipinost lamang ni Yassi sa Instagram ang video ng mga kaganapan kahapon, September 28.

Magka-holding hands sila habang binabaybay ang pasilyo ng mall, pagsakay ng elevator, hanggang sa loob ng sinehan bago pa ipalabas ang pelikula.

Suportado naman ng constituents ng gobernador at ng kanyang mga kapamilya ang pagpapalabas ng pelikula ni Yassi sa Naga.

Kaya malaki ang pasasalamat ng aktres sa suporta ng Villafuerte family na kanya nang naranasan mula pa noong taong 2013.

Sabi ni Yassi (published as is), “dios mabalos po camsur!! salamat po sa napakainit na pagtanggap ninyo po palagi saakin, at nung sunday po sa amin ni @tjvalderrama !
salamat sa lahat po ng mga byumahe at nakarating po sa SM NAGA mula sa ibat iba pong mga bayan.

“nakakakilig at nakaktuwang marinig po ang mga tawanan, iyak at kilig na mula po sainyo, minsan pakiramdaman ko nasa rides lang tayo mapapa- what theeee ka nalang talaga kasi minsan sa pelikula diba?? hahaha joke lang po.

“pero sa pagiging seryoso naman po ulit, gusto ko lang talaga magpasalamat po sa buong Villafuerte Family, dahil po kabaitan nila palagi sakin simula pa po nung 2013 nung unang dating ko po sa camsur, at natouch po ako ng sobra to see them all there to watch and to support.”

Sa isang bahagi ng post ay binanggit ni Yassi ang ilang miyembro ng pamilya ni Luigi na lubos ang suportang ipinadama sa kanya.

Naalala rin niya ang pumanaw na amang si Ronald Pressman dahil sa ipinakitang pagmamahal ng Villafuerte family.

Mensahe ni Yassi: “It really meant alot kasi parang nagreminisce po kasi ako sa pagikot ng mga mata ko sa mga tao sa pelikula at sa pamilya po nilang nandoon, Cong Lray, Tita Lara, Cong Migz, Rachel and the whole whole fam, and really, sometimes its the small things you value and miss the most when it comes to the time with your family.

“thank you for spending your sunday family night with me.
you guys did not have to be there but you chose to be there and that really means so much to me salamat po

“katulad din po sa pelikula namin, pinapakita din ni Han kung ganu kaimportante ang pamilya.. namiss ko tuloy ang Papa! pero buti suot ko ang heart necklace nya para kasama ko din po siya palagi hehehe

“kaya reminder!!! tell the people you love that you love them! and show your support in any way you can!”

Kasunod na pinasalamatan ni Yassi ang lahat ng mga Bicolano na nanood ng pelikula nila ni Ruru Madrid.

Sa huli, tinawag ng aktres na “napaka-espesyal” ang nauugnay sa kanya ngayong si Luigi.

Aniya, “at syempre, sayo… sa nagasikaso nito, salamat sa lahat, napakaespesyal mo, alam mo na yun! Thank You Gov @vincenzo.luigi”

Sa panayam kay Yassi sa Fast Talk With Boy Abunda noong September 14, sinabi nitong masaya siya kung anong mayroon sila ngayon ni Luigi.

Ayaw rin daw niyang madaliin ang mga bagay-bagay, at imbes na magpaapekto sa negatibong sinasabi ng iba ay mas gugustuhin niyang maging masaya na lang.

Saad ni Yassi, “Ano lang din po, Tito Boy, I’m very happy to be spending more time together.

“Again, I don’t wanna put labels in anything anymore. Not rushing into anything anymore.

“So, parang kung saan na lang po ako nagiging masaya. Kasi mahirap po talaga yung pinagdaanan ko.

“And now, sometimes feeling ko, whatever I’m happy, I’ll stay there.”