Faith Da Silva admits assuming in “intimate dinner” with K-pop star Eric Nam: “Marami pala kami!”

Nag-assume at umasa pero nabigo ang Kapuso actress-singer na si Faith Da Silva sa inakala nitong intimate dinner at date nila ng Korean-American singer na si Eric Nam.

Nangyari ang “wow mali experience” ni Faith noong nakaraang buwan.

Kuwento ni Faith sa kanyang guesting sa Fast Talk With Boy Abunda ngayong Huwebes ng hapon, September 21, 2023, “Nag-guest po siya sa TikToclock and ako yung nag-interbyu sa kanya sa mga segment.

“After ng taping, nakalimutan ko na, and then, the next day, someone messaged me na they were inviting me to an intimate dinner with Eric.

faith da silva eric nam

“So, parang ako, ‘Oh my God! Totoo ba ito talaga?’ Kasi he’s a superstar, international superstar, and karamihan sa friends ko, sinusuportahan talaga siya.

“Recently ko na lang nalaman. Pero nang marinig ko ang songs niya at saka videos niya, nagulat talaga ako. ‘Bakit naman ako i-invite?’”

Nasagot ang tanong ni Faith sa sarili nang dumating siya sa meeting place nila ni Eric.

“Pagdating ko dun [sa dinner], marami pala kami!

“Akala ko talaga, parang kami lang. Wala naman kasi silang sinabi na parang event pala ito.

“Ready ako sa questions na itatanong niya kasi magaling siyang mag-English so alam ko na makakapag-usap kaming dalawa,” sabi ni Faith.

Ito raw ang mga prinaktis niya: “My work has been good, I am a singer, I host, and I also act. How’s Korea?”

Pagpapatuloy ni Faith, “Pero madami kami. Masaya naman kasi I was able to meet new friends, pero umasa ako…

“Kasi naman, matagal na din po akong hindi nakikipag-date. Parang I wanted to experience it again.”

MOST UNFORGETTABLE DATE

Pero kung may hindi malilimutang date story si Faith, ito ay ang karanasan niyang nangyari noong teenager pa lamang siya.

Kuwento niya, “It’s a fun story. I was still young. Siguro mga 17 years old ako.

“Meron akong guy best friend. Super close talaga kami.

“Parang ang feeling ko, kahit papaano, meron din kaming feelings towards each other, pero wala lang umaamin.

Faith Da Silva goes on 'intimate dinner' with Eric Nam, but it's not what she expected | GMA News Online

“So magba-Valentine’s na, sabi ko sa kanya, ‘Bakit hindi tayo mag-date? Katuwaaan lang, eme-emehan lang.’

“And then nu’ng Valentine’s Day na, he picked me up. Tapos sa loob ng car niya, merong stuffed toy, may camera, may balloons. so talagang na-overwhelmed ako.

“Hala, akala ko, trip-trip lang ito. Bakit parang seryoso na?

“Pero na-appreciate ko yon kasi wala pang gumagawa sa akin nang ganoon ever…

“Nung pauwi na kami, parang na-appreciate ko na siya. Parang nagkakaroon ako ng second thoughts kung gusto kong maging single or to be with a relationship na with this person.

“So, nasa gitna kami ng EDSA, tinanong ko siya. Sabi ko, ‘I have something to ask you.’

“Itinigil niya yung kotse sa gitna ng EDSA. Sabi niya, ‘What is it?’

“Sabi ko, ‘Would you like to be my boyfriend?’

“Hindi po ako nanligaw, ako lang yung nagtanong,” paglilinaw ni Faith.

Dagdag niya, “He said, ‘I’d love to,’ tapos ‘yun po…”

DREAM TO MEET PIA WURTZBACH

Ang makilala nang personal si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang isa sa mga pangarap ni Faith na hindi pa natutupad.

Dahil matangkad, matalino, at malaki ang pagkakahawig niya kay Pia, marami ang kumukumbinsi kay Faith na sumali sa Miss Universe Philippines.

Pero hindi pa siya makapagdesisyon dahil ang makatapos ng pag-aaral at ang acting career ang kanyang priorities sa kasalukuyan.

“Hindi pa po ako sasali. Nag-aaral pa po ako,” sabi ni Faith sa hiwalay na panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) pagkatapos ng live interview niya.

“Last year ko na, senior high school, and then magka-college ako. Pero working ako ngayon. Parang ang hirap ng schedule.

“Siyempre, gusto ko, well-rounded na ako kapag sumali, maraming life experiences para mas marami akong maibigay sa mga tao,” ang paliwanag ni Faith.