Andrea Brillantes: “May mga opinyon na wala namang ambag sa buhay.”

Ikinuwento ni Andrea Brillantes, 20, na bata pa lang siya ay nakaranas na siya ng bullying.

“Naka-experience po ako noon. My whole life, actually—nursery, grade school, high school, and dito sa showbiz industry, and the people on social media,” saad ni Andrea sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Iba-iba raw ang paraan ni Andrea kung paano niya hinarap ang pambu-bully sa kanya noon.

“May minsan, palaban ako.

“Tapos, madalas kasi kapag dini-defend ko sarili ko, ako pa yung napapasama.

“Like, for example, I stood up to my bully noong grade school, and ako yung napa-principal’s office.

“At ako lang mag-isa, ha? Like, hindi kasama talagang bully.”

Napatawag daw siya sa principal’s office para ipaliwanag ang bersyon niya ng kumprontasyon niya sa nam-bully sa kanya.

“Pinagalitan ako kung ba’t ko daw sinabi mga ganung bagay. Sabi ko, ‘E, kasi siya, e. Kakainis siya, e. Siya naman yung nauna, e.'”

Ngayong dalaga na siya at nagtatrabaho bilang artista, nakakaranas pa rin daw siya ng pambu-bully mula sa bashers kapag nasasangkot siya sa mga isyu.

Huling naranasan niya raw iyon ay noong tawagin siyang “malandi” at “puro boys” lang ang inaatupag nang maglaro siya ng “Date or Pass” sa kanyang vlog noong August 21.

Naglabas agad noon si Andrea ng TikTok video para kuwestiyunin ang pambabatikos sa kanya gayong marami raw siyang inilagay na disclaimer na katuwaan lang ang pagsabi niya sa vlog kung sino ang personalities na pasado sa kanya na maka-date.

“May mga times lang talaga na parang this is too much.

“Or usually sumasagot ako sa basher kapag hindi siya totoo. Pag important matter siya na hindi totoo,” paliwanag ni Andrea sa PEP.ph.

“Kasi ang dami rumors, hindi lahat yan mako-correct ko. But, like, if it’s really affecting my reputation or my family, I speak up.

“And if recently parang meron lang super na sexist lang ako na mga statement, like dun, clear ko lang yung name ko kasi I just don’t think it’s right.