Yassi Pressman, masaya sa kanyang pagbabalik bilang Kapuso

Ayon kay Yassi, natanggap niya ang offer sa ‘Black Rider’ habang nagshu-shoot sila ng ‘Video City.’

Masaya ang Black Rider star na si Yassi Pressman sa kanyang pagbabalik bilang isang Kapuso sa paglabas niya sa upcoming action-drama series. Ibinahagi pa ng aktres kung gaano kasarap katrabaho ang co-star niyang si Ruru Madrid hindi lang sa serye, kundi pati na rin sa pelikula nilang Video City.

Sa interview ng aktres sa noontime news program na Balita Ko, ibinahagi ni Yassi kung gaano siya ka-grateful sa pagkakabilang sa action-drama series at sinabing wala ito sa plano noong una.

Ayon kay Yassi, natanggap niya ang offer sa Black Rider habang nagshu-shoot sila ng Video City.

“Siguro po nung nakita po nila ‘yung mga scenes namin, nakita po nila ‘yung chemistry namin ni Ruru, and siguro po kaya po nila na-i-offer sa’kin ‘yun,” sabi ng aktres.

Dagdag pa nito, “Everything happens for a reason and I’m so grateful pati rin po sa pagtanggap po ng mga tao kay Ningning at kay Hans sa Video City, maraming, maraming salamat po.”

SAMANTALA, BALIKAN ANG ONE YEAR FITNESS TRANSFORMATION NI YASSI SA GALLERY NA ITO:

Ayon kay Yassi ay masaya siya sa pagbabalik niya bilang isang Kapuso, at nagbigay ng pasasalamat para sa lahat ng blessings na natatanggap niya.

“I’m very very grateful for kasi masaya rin po ako na kahit bumalik po ako sa GMA, lahat po halos ng mga nakatrabaho ko noon, mga kakilala ko po noon, they still remember me, they’re still very very nice to me,” kuwento ng aktres.

At nang tanungin siya kung ano ang pakiramdam na makatrabaho muli si Ruru matapos ang 10 taon, ang sagot ni Yassi, “Working with him is great kasi po parang parehas po kami ng values.”

“Hardworking din po siya, hindi siya mareklamo, mabait po siya sa lahat ng tao, mabuting human being. Ang sarap po magkaroon ng mga scenes with him,” dagdag ng aktres

Panoorin ang buong interview ni Yassi sa Balita Ko dito: