Cristy Fermin kay Liza Soberano: “Mas matindi ang intrigahan at mga komento sa mga Koreano”

– Pinaalalahanan ni Cristy Fermin si Liza Soberano na ang pikon ay talo

– Kaugnay ito sa kanyang naging reaksiyon sa nilabas na article ng online news site

– Ani Nay Cristy, mas matitindi ang comments at pang-iintriga sa mga Hollywood stars and Korean celebrities

– Aniya, paano daw ito magsu-survive sa mundong kanyang papasukin kung dito pa lang ay napikon na siya

Nagpaalala si Cristy Fermin kay Liza Soberano na dapat ay maging mas handa ito sa mga komento at pang-iintriga sakaling pasukin niya ang K-pop. Kaugnay ito sa naging reaksiyon ni Liza sa article na inilabas ng online news site na kanyang sinita.

Cristy Fermin kay Liza Soberano: “Mas matindi ang intrigahan at mga komento sa mga Koreano"

Nabanggit niya sa September 25 episode ng Cristy FerMinute ang kanyang paalala kaugnay dito.

“Ang sabi ng mga nagkokomento, kahit sa Hollywood mas matitindi pa d’yan ang review at comments ng mga tao laban sa kanila. At lalo kang maghanda sa Korea kung papasok ka na sa sinasabi mong ‘next Hollywood,’

Aniya, mas matindi ang komento ng mga Koreano kaya dapat ay handa siya.

Mas matindi ang intrigahan at mga komento sa mga Koreano. Ang titindi nila mandaot. Grabe. Baka lalo kang mapikon doon,”

https://youtu.be/pM4nrczV7xw

Si Hope Elizabeth Soberano, o mas kilala bilang si Liza Soberano, ay pinanganak sa Santa Clara, California. Filipino ang ama ni Liza habang American naman ang kanyang ina. Namataan si Liza ng isang talent scout noong siya ay 13 years old palang at pinakilala sa manager niya ngayon na si Ogie Diaz.

Samantala, naging usap-usapan din ang ginawang makeup transformation ni Patrick Starrr kay Liza sa kanyang binahaging video. Kamakailan ay nagkasama sina Liza at Patrick sa isa sa kanyang vlogs. Sa naturang video na umabot sa 16 minuto, beauty queen makeup transformation ang ginawa ni Patrick. Marami sa mga netizens ang namangha sa “Miss Universe” transformation ni Liza.

Ayon sa ama ni Liza, pinalaki lang ng mga tao ang isyu kaugnay sa sinabi ni Liza. Sa panayam sa kanya ni MJ Marfori, sinabi niyang dapat ay panuoring muli ang sinabi ni Liza at intindihin ang sinabi ng kanyang anak. Matatandaang umani ng mga reaksiyon hindi lang mula sa mga nakatrabaho niya kundi maging mula sa netizens ang kanyang naging pahayag. Kaugnay ito sa kagustuhan niyang magawa ang sarili niyang desisyon pagdating sa kanyang career.