Marco Gumabao reacts to American singer David DiMuzio’s post about Cristine Reyes

Napa-react nang wala sa oras ang hunk actor na si Marco Gumabao nang makita ang picture ng kanyang kasintahan na si Cristine Reyes at American singer-songwriter na si David DiMuzio.

Noong September 22, 2023, in-upload sa Facebook ni David ang isang throwback picture, sabay tanong sa caption kung sino ang nakakakilala sa babaeng katabi niya.

Saad ni David (published as is), “Does anyone know this girl’s name?

“I remember she was really nice when we met years ago, and she’s an actress, but I can’t remember her name [laugh emoji].”

Sa isa pa niyang hiwalay na post, makikita muli ang litrato nila ng babae na nakangiti sa kanya.

Dinagdagan ito ni David ng makahulugang caption na, “Naaalala mo pa ba? [laughing in tears emoji].”

Sa comments section ng kanyang post, tinukoy ng kanyang nga tagahanga na si Cristine ang kasama niya sa litrato.

Agad na nag-viral ang post, at karamihan sa netizens ay pabirong tinag ang kasalukuyang nobyo ni Cristine na si Marco.

Nakarating naman sa aktor kaya nag-reply ito sa unang post ni David ng emoji na animo’y nag-iisip.

NETIZENS REACT

Habang isinusulat ang artikulong ito ay mayroon ng 1.3K laughing reactions ang comment na iniwan ni Marco.

Marami ring netizens ang binalaan ang aktor na habang maaga pa ay bakuran na niya si Cristine para hindi na maagaw sa kanya.

Komento ng isang netizen, “Marco, pakasalan mo na habang hindi pa inaagaw.”

Saad pa ng isa, “Naku Marco, kabahan ka na.”

Mayroon pang netizens na nagbigay ng suhestiyon kay Marco na mag-apply na raw sa Anti-Selos Class ng Kapuso actor na si Jak Roberto.

Dagdag pa ng isa, “Nag overthink tuloy si Marco kung ano yung alala-ala na sinasabi ni David hahaha.”

MARCO-CRISTINE RELATIONSHIP

Backtrack sa petsang March 1, 2023, kung saan unang nag-viral ang mga litrato nina Cristine at Marco na habang nagwu-workout sa Siargao.

Nasundan pa ito noong March 21, nang iulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang info mula sa isang source na nakita ang dalawa na magka-holding hands habang tumatawid sa pedestrian lane sa isang high-end mall sa Makati City.

Hindi nagtagal, mismong si Marco na ang nagkumpirma noong March 25 na nagde-date sila ni Cristine.

April 24, nang tuluyang isapubliko ng couple ang kanilang relasyon, at ibinahagi pa ni Marco sa Instagram ang sweet photos nila ni Cristine.

Dito makikitang hinahalikan ni Marco si Cristine sa pisngi habang sila’y nasa beach, kalakip ang maiksing caption na: “You are my home and my adventure all at once [heart, face blowing a kiss emojis].”