Kasunod ng pag-amin ng basketbolistang si Ricci Rivero, 25, sa relasyon nila ng beauty queen at Los Baños, Laguna councilor na si Leren Mae Bautista, 30, noong October 21, 2023, pinutakti naman ng bashers ang post ng konsehala sa Facebook noong araw ring iyon.
Direktang inakusahan ng ilang netizens si Leren na mang-aagaw ng boyfriend.
Si Leren ang itinuturo nilang dahilan ng paghihiwalay ni Ricci at ng ex-girlfriend nitong si Andrea Brillantes.
Ayon sa isang sa netizen, “Forver mangaagaw! Slaaaaaay!”
Sinagot ito ng beauty queen-councilor.
Sabi ni Leren, hinding-hindi niya gagawin ang mang-agaw.
Naipaliwanag na raw nila ni Ricci ang kanilang panig at ang katotohanan, pero kung igigiit ng mga basher ang kanilang sariling bersiyon ay wala na silang magagawa.
Saad niya, “Hahahaha! Girl, never in my life that I’ll do such thing. This is so simple.
“We already explained ourselves and told the truth.
“Now, if you still wanna push you version of the story, then don’t ask us anymore.
“You can answer your own questions and get the answer you want.
“Nakakapagod sabihin ang totoo dahil pilit parin ng tulad mong baliin ang katotohanan.
“Ikaw, forever for the clout ka girl. Slaaaaaay Mema!”
Nauna na ring ipinagtanggol ni Ricci ang nobya sa kanyang pag-amin sa kanilang relasyon.
Bahagi ng post nito sa Instagram, “Hindi tayo magtatago dahil walang dapat ikahiya. Walang nang agaw at walang inagaw. Walang bibitaw dahil masaya tayong magka hawak kamay.”
LEREN ANSWERS MORE BASHERS
Isa namang netizen ang nag-comment kalakip ng pahayag ni Leren noong June 12, 2023, kung saan itinanggi niyang siya ang dahilan ng hiwalayan ni Ricci at ex-girlfriend nitong si Andrea.
Sabi ng netizen, “Ito lang po talaga need ng clarification. And mag mo move on na ang lahat. Ganon lang.”
Ayon kay Leren, naipaliwanag na niya ang kanyang panig. Kung ayaw nilang maniwala, tanungin na lamang daw ng mga ito si Andrea.
Aniya, “Again, we already explained ourselves and told the truth.
“Now, if you still wanna push your version of the story, then don’t ask us anymore. You can answer your own questions and get the answer you want.
“To end this, ask her.”
Pang-aasar pa ng isa, “bkit d mksagot konsehala? Basyang said the ultimate truth teller…siya din siguro Yung asa Cr as a fren, my god”
Giit ni Leren, “Ask her”
Komento ng isa pa, “Ganyan pala ang konsehala sumasagot na sa mga bashers feeling bida”
Tanong ni Leren, “Ano ba dapat gawin sa inyo na bashers? Enlighten me please.”
Pakutyang tanong ng isang netizen, “Ikaw po ba yung tita ni ricci?”
Buwelta ni Leren, “mas muka kang Tita”
Komento ng isa pa, “Eto ba yung pinagpalit sa CEO? Mukhang ribbon”
Buwelta naman ni Leren, “Kesa mukang manok”
Ibinahagi rin ni Leren ang deleted comments na kanyang sinagot.
Sabi niya, “Ito deleted comments ng mga ka-trolls mo. #Explain not #Explaine #You’re not #Your”
Mababasa sa screenshot ng deleted comment: “Na explaine po na ba your not dating him mema? Ang sabi mo don is wala dba?”
Leren: “First of all *EXPLAIN not explaine
“Isa pang mema. #memaAlert pabasa po ulit ng comment ko hanggang maintindihan mo. Wag na magcomment kapag wala sense reply.”
Tila galit naman ang isang netizen.
Sabi nito, “PARANG HINDI KA KONSEHALA NA EDUKADA. GIRL KUNG NANG AGAW KA WAG NA MAG FLEX KEEP QUIET KA NALANG. MAG CORRECT KA SPEELING NG IBA KUNG MALINIS KA BUTI SILA ANG MALI SPELLING LANG E IKAW? HINDI TAMA ANG MANG AGAW BANDANG HULI IIYAK KA DN JAN TRUST ME!”
Sagot ni Leren, “Kapag sinagot at tinama ang pag gamit ng you’re sa your at pagcorrect ng spelling, masasabihan na agad na parang hindi Konsehal na edukada?
“Again, paulit ulit tayo girl, ASK HER.”