Who is Ricci Rivero’s father Ruzcko alluding to in “pakitang tao para mapag-usapan” post?

Ruzcko Rivero posts pictures with sons and Leren Mae Bautista

Ruzcko Rivero (leftmost) posts a group photo with his “mga anak.’ With him in this photo are sons Ricci (third from left), Gelo (second from left), and Paolo (rightmost) with Ricci girlfriend Leren Mae Bautista (third from right) ang Paolo’s girlfriend Krish (second from right)

Tila ipinagtanggol ni Ruzcko Rivero ang anak na si Ricci Rivero matapos nitong aminin ang relasyon nila ni Los Baños, Laguna Councilor Leren Mae Bautista.

Wala man siyang partikular na isyung binanggit, makahulugan ang unang linya sa post ng ama ni Ricci sa Instagram kahapon, October 22, 2023.

Sabi ni Ruzcko, “Yun naman ang hindi tutuo [smiling face with heart-shaped eyes emoji]”

Sunod nito, tila may pinasasaringan si Ruzcko sa kasunod na linya ng kanyang post.

Ang mahalaga raw ay “maayos na ugali,” “respeto sa minahal,” at hindi “pakitang tao para mapag-usapan.”

Aniya, “Plus, importante yung maayos na ugali at pag respeto sa minamahal mo at hindi lang pakitang tao para mapag-usapan, yun naman ang sobrang layo at yan ang sigurado ako. [thumbs up emoji]”

Tinawag din niyang “mga anak” ang mga kasama sa selfie kabilang na si Leren.

Aniya, “May God bless you always mga anak.. [face throwing a kiss, heart, praying hands emojis]

Kasama ni Ruzcko sa picture na in-uplaod niya ang mga anak na sina Ricci, Paolo, at Gelo, si Leren, at ang girlfriend ni Paolo na si Krish.

Magkasunod namang nagkomento rito ng heart emojis sina Ricci at Leren.

Leren and Ricci comments

Ni-repost ito ni Leren sa kanyang Instagram Story.

Caption niya, “Happy Sunday [heart emoji]”

Ruzcko Rivero's post

“WALANG NANG-AGAW”

Umamin si Ricci sa relasyon nila ni Leren noong Sabado, October 21.

Tinawag ni Ricci na “real QUEEN” at “the right one” ang beauty queen.

Bahagi ng post ni Ricci (published as is), “To the girl who i see as a real QUEEN With all the wrongs hounding me, I’m blessed to have found the right one. Allow me to shield you from things you don’t deserve.

“Hindi tayo magtatago dahil walang dapat ikahiya. Walang nang agaw at walang inagaw. Walang bibitaw dahil masaya tayong magka hawak kamay.”

Pinanindigan naman ni Leren na wala siyang inagawan ng boyfriend.

Ito ay matapos siyang tawaging mang-aagaw ng ilang bashers.