Mickey Ablan starts construction of late daughter Yzabel’s mausoleum

Sinimulan na ngayong araw, October 26, 2023, ang konstruksiyon ng mausoleum ng namayapang anak ni Mickey Ablan na si Yzabel Ablan.

Yzabel Ablan's mausoleum in construction

Pumanaw si Yzabel noong October 7, 2023, dahil sa lung infection at heart failure.

Siya ay 20 taong gulang lamang.

Sa kanyang Facebook, sinabi ni Mickey na sinimulan na nilang pandayin ang resting place ng anak.

Ayon pa sa kanya, kung buhay pa sana si Yzabel ay hindi siya mag-aatubiling bilhan ito ng bagong bahay.

Post ni Mickey, “We Love you Yzabel Ablan [heart emoji] Construction starts Today for your Resting Place [praying hands emoji]

“How I Pray and Wish that you were Alive and we were getting you a New Home nalang [sad face emoji] Missing you so much.”

Noong October 14, una nang ipinasilip ni Mickey ang design ng magiging “resting place” ng kanyang baby girl.

Pinasalamatan din niya ang designer ng mausoleum ni Yzabel.

Sabi ni Mickey, “Never in my Wildest Dreams ko naisip this will be your new Resting Place my Baby Girl Yzabel Ablan [sad face emoji]

“You were supposed to Transfer to a Real House after Graduation and Leave your Condo [sad face emoji]”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Dalawang magkasalungat na okasyon ang gugunitain nina Mickey at asawang si Janna Dominguez pagdating ng petsang October 7: isang masaya at isang malungkot.

Dalawang pangyayari kasi ang magkasunod na naganap sa petsang iyon: ang pagsilang ng kanilang bunsong anak na si Michael Zab Leon III at ang pagpanaw ng kanilang panganay na anak na si Yzabel.

Bandang 3:49 a.m. ng Sabado, October 7, nang isilang ni Janna ang bunso at kauna-unahang lalake sa pamilya nila na si Leon.

Makalipas lamang ang ilang oras, 12:20 p.m.., ay pumanaw naman si Yzabel.