Paolo Contis, ipinagkibit-balikat ang pagli-link sa kanila ni Arra San Agustin

GORGY RULA

Binulabog ako ng ilang kapatid sa panulat para tanungin kung may reaksiyon daw ba si Paolo Contis tungkol sa kumalat na TikTok post tungkol sa kanila ni Arra San Agustin.

Binigyan ng malisya ang post na yun na napahalik si Paolo sa noo ng Kapuso actress.

Ipinagkibit-balikat lang ito ni Paolo dahil nasa sketch daw nila yun na ginagawa nila sa Eat Bulaga! tuwing Miyerkules at Sabado.

Sabi ni Paolo sa akin, panoorin na lang ang eksenang yun na ginawa nila ngayong Miyerkules, November 1, 2023. Naka-tape na pala ang episode na yun pero nauna pa itong kumalat sa kabuuan ng show.

paolo contis arra san agustin ăn bulaga

Posibleng nandun sa taping ang kumuha ng video, at gamit ang account na Arra Paolo Official. Meron bang binubuong love team ang Eat Bulaga! kina Paolo at Arra?

Hindi lang ang post na yun ang nakita namin sa TikTok, kundi may iba pang episodes na parang ang sweet ng dalawa. Kaya meron na ngang tinatawag na “PaoRa” love team.

Meron pang nagsabi sa aking may kuha pa raw na magkasamang nagdyi-gym sina Paolo at Arra.

“Sana kinunan nila yung buong grupo, hindi yung kaming dalawa lang. Lahat kami nag-gym,” text ni Paolo sa akin.

Obvious na iniintriga sina Paolo at Arra dahil yung kuha lang nila ang ipinu-post. Bakit hindi raw nila i-post yung dalawa sila ni Betong na girl ang character na si Candy?

May nagtanong pa sa akin kung hiwalay na raw ba sina Paolo at Yen Santos.

Fashion PULIS: Paolo Contis and Arra San Agustin Caught in Cozy Actions in Eat Bulaga

Natawa na lang si Paolo nang sinabi naming tila may mga grupo na ng fans sila ni Arra, dahil galing sa account na Paolo Arra Official.

Wala naman daw planong ipag-love team sila sa Eat Bulaga!. Pero tila dumadami ang fans nilang dalawa kaya ang bilis nito kumalat at nag-trending.

Ang huli naming na-check sa TikTok, ang video na yun na ipinost ng Paolo Arra Official ay halos naka-1.2M views na.

NOEL FERRER

Ang masaya riyan, busy si Paolo sa dami ng kanyang ginagawa mapa-TV man o pelikula.

So, anuman ang mangyari, visible siya at may pinagkakakitaan, okay na okay yun, lalo na’t magpa-Pasko.

Kung makakatulong sa ratings nila sa Eat Bulaga! ang pagkaka-link kay Arra San Agustin, e, di okay, maraming mas aabangan ang mga tao sa mainitang pagtatapat ng noontime shows sa atin!

Are Paolo Contis and Arra San Agustin Dating?

JERRY OLEA

Aba! Naulinigan natin na noong Oktubre 30, Lunes, ay panalo sa Battle of Noontime Shows ang Eat Bulaga!.

If I’m not mistaken, this is only the third time na natalo sa ratings ang E.A.T. ng TVJ at Legit Dabarkads.

Matagal-tagal na sa showbiz si Arra San Agustin, na kasama sa Final 6 ng sixth season ng StarStruck (Setyembre-Disyembre 2015).

Itinambal si Arra kay Ken Chan sa My Special Tatay, pero mas klik ang tandem doon ni Ken with Rita Daniela.

Naging leading lady siya ni Ruru Madrid sa Lolong, pero hindi naman na-playout ang tambalan nila.

Malay mo, malay ko, malay nating lahat… magklik ang eme-emeng “love team” nina Arra at Paolo, di ba?!?!