Sarah Lahbati gets asked by netizens: “Why no pic with Richard Gutierrez?”

May pinagdadaanan ba ang mag-asawang Sarah Lahbati at Richard Gutierrez?

Ito ang tanong ng netizens na napansin na tila hindi magkasama sina Sarah at Richard sa mga lakad nila lately.

Noong October 26, 2023, nag-post si Sarah sa Instagram ng video kasama ng dalawang anak nila ni Richard na sina Zion at Kai.

Wala sa video si Richard.

Nilapatan ni Sarah ang video ng kantang “i am not who i was” ni Charles Peña na may lyrics na “So, if I fly too far / Will I still have a place inside your heart? / And, when you see what I’ve become / Will you love me for who I am, not who I was?”

Sarah Lahbati

Wala rin si Richard sa picture ni Sarah at ng mga anak na nakasuot ng Halloween costumes habang sila ay nasa hardin ng isang bahay noong October 28.

Không có mô tả.

Kagabi, November 2, nag-update si Sarah ng bakasyon nila ng mga anak sa Camp Sirums, isang beach resort sa Siruma, Camarines Sur.

Kasama rin nila ang ina ni Sarah na si Esther Lahbati.

“Embracing the simple joys found in nature’s loving presence,” saad sa caption ni Sarah.

Sa Instagram Story ni Sarah kagabi, pinakita niya ang collage ng mga pinuntahan niya noong buwan ng Oktubre, at wala sa mga litrato si Richard.

Sarah Lahbati

SARAH NOT PRESENT AT ANNABELLE’S BIRTHDAY?

Maging sa big occasions sa showbiz circles ay hindi rin namamataan sina Sarah at Richard.

Solong rumampa si Sarah sa isang store opening ng isang Korean eyewear brand noong October 16.

Solong rumampa si Richard sa Opulence Ball na ginanap noong October 30, 2023 sa Marquis Events Place sa BGC.

Noong October 31, nag-post si Richard ng ilang mga litrato na kuha sa birthday celebration ng ina niya na si Annabelle Rama.

Không có mô tả.

Napansin ng netizens na wala si Sarah sa mga litrato ni Richard.

Noong October 9 ay nagdiwang ng ika-30 kaarawan si Sarah.

Nag-post pa noon si Richard ng birthday message para sa misis via Instagram.

“I want to express my deepest gratitude for everything that you do for our family, and the boundless nurturing love that you give Zion and Kai,” sabi sa caption ni Richard.

Dagdag ng aktor, “May God bless this day with laughter, happiness and a renewed sense of love and strength. Happy Birthday my love.”

Pero habang isinusulat ang artikulong ito, tila burado na ang post sa feed ni Richard.

NETIZENS’ REACTIONS

Bunsod nito, hindi maiwasang mapatanong ang netizens kung bakit hindi raw magkasama sina Sarah at Richard sa kani-kanilang pino-post na updates sa Instagram.

Napatanong ang iba kung may problema raw ba ang mag-asawa.

Sarah Lahbati and Richard Gutierrez
Sarah Lahbati and Richard Gutierrez
Sarah Lahbati and Richard Gutierrez
Sarah Lahbati and Richard Gutierrez

Kung anu’t ano man, hiling ng mga tagasubaybay ng couple na sana ay maayos kung mayroon man daw di pagkakaunawaan ang mga ito.

Noong March 14, 2023 pinagdiwang nina Sarah at Richard ang kanilang third wedding anniversary.

Wala pang sinasagot ang dalawa sa mga katanungan ng netizens sa kanila.

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.