Kylie Padilla napaiyak nang balikan ang failed marriage nila ni Aljur Abrenica

“Bakit nagbabago? Why does the love change? So many promises and then biglang…”

Ito ang nagtatakang tanong ni Kylie Padilla nang mapag-usapan ang kinahinatnan ng relasyon nila ng asawang si Aljur Abrenica sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes ng hapon, Nobyembre 3, 2023.

kylie padilla aljur abrenica

Hindi napigilan ni Kylie mapaluha nang magsalita ito sa telebisyon sa unang pagkakataon tungkol sa nawasak na pamilya nila ni Aljur.

Base sa kanyang mga pahayag, may pagkukulang ang estranged husband niya.

“Medyo cliché, e, but I wish nagtira ako para sa sarili ko kasi I gave my all talaga,” sagot ni Kylie nang itanong ni Boy ang mga aral na kanyang natutunan sa nagwakas na relasyon nila ni Aljur bilang mag-asawa.

“Kaya tinanong ko bakit nagbabago because, for a time, sa relationship namin, there was a point in my life na dadaanan ninyo talaga as people in relationship will go through struggles, daraan talaga. Kasama talaga yon.

“But because I made the promise of marriage, even if sabi ko sa sarili ko, ‘Okay, if I’m unhappy now and magiging ganito na yung set-up namin, ipaglalaban ko pa rin para sa mga anak ko.’

“Oh my God!”

Sa puntong ito ay tuluyan nang pumatak ang mga luha ni Kylie dahil nasasaktan ang kanyang kalooban kapag napag-uusapan ang dalawang anak nila ni Aljur.

LOOK: Kylie Padilla and Aljur Abrenica are adorable on the ABS-CBN Ball 2019 red carpet

“Inubos ko and nauwi rin sa hiwalayan. Galing ako sa broken family so ayokong matulad like…

“I hate it when people say, ‘Artista yan, papalit-palit lang. That’s their life. Ganoon talaga ang style ng mga artista when it comes to relationship.’

“But people don’t know how much it hurt me. It’s very unfair and I wanted more for my kids talaga.

“I made a promise talaga to myself, e. Kahit na I went postpartum noon and postpartum was very hard, a very difficult thing for a woman to go through, pero ipinaglaban ko pa rin hanggang sa dulo na paninindigan ko yung ginawa namin na kasal.”

Pagpapatuloy na lahad ni Kylie, “The fact na it wasn’t returned, masakit sa akin.

“Sa totoo lang, I don’t believe in marriage. I don’t.

“But because I want my kids to have a whole family, I did it.

Kylie Padilla breaks silence over split with Aljur Abrenica | Philstar.com

“I did it because gusto kong maranasan nila yon, yung buo yon.

“Walang pagsisisi kasi my kids have really a good relationship with their dad until now.

“And one thing that I don’t want them to go through is wala silang tatay or maramdaman nila na wala silang tatay, so wala akong pagsisisi.

“Saka I don’t wanna hold my ex Aljur in a negative light. Never ever. Magre-reflect yon sa akin.”

Nais pa rin daw ni Kylie maging kaibigan si Aljur alang-alang sa kanilang mga anak.

Postscript: Pumayag si Kylie na lumabas at magsalita sa Fast Talk with Boy Abunda bilang tulong niya sa promo ng Black Rider, ang primetime action drama series ng GMA-7 na mapapanood simula sa Lunes, Nobyembre 6, 2023.

Isa si Kylie sa mga kapareha ni Ruru sa Black Rider.

Sa panayam ni Boy, nabanggit niyang gayang-gaya ng aktor ang mga kilos at pananalita ng kanyang ama, ang action star at senador na si Robin Padilla.