Sylvia Sanchez re.veals “PHP5M b.et” with son Arjo Atayde before his wedding to Maine Mendoza

Sylvia Sanchez pens sweet birthday message for son Arjo
Sylvia Sanchez reveals her challenge “pustahan” with son Arjo Atayde a few moments before his wedding to Maine Mendoza: “Sayang hindi ka pumusta nak, nanalo sana ako ahahahaha.” PHOTO/S: COURTESY: INSTAGRAM

May madamdaming mensahe ang aktres na si Sylvia Sanchez para sa panganay na anak na si Quezon City 1st District Representative Arjo Atayde sa ika-33 kaarawan nito noong November 5, 2023.

Sa kanyang Instagram noong araw na iyon, ibinahagi ni Sylvia ang hamon niyang pustahan sa anak noong araw na ikakasal ito kay Maine Mendoza.

Ikinasal sina Arjo at Maine sa Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel, Baguio City, Benguet, noong July 28, 2023.

Pero ayaw raw kumasa ni Arjo sa hamon kung sino ang unang iiyak sa kanila sa kasal ng actor-politician na anak.

Nakipagpustahan pa naman daw si Sylvia ng “PHP5 million” sa anak.

Kuwento ng award-winning actress, “Tandang tanda ko pa ang araw ng kasal mo.

“Pagkagising ko pinuntahan kita sa room mo, kabado at naiiyak ako pero sobrang saya ko at kinulit kulit pa kita.

“Nakita kong ganoon din ang nararamdaman mo, kabado, masaya at naluluha luha pero kahit pilit mong tinatago sa akin ang tunay mong nararamdaman kitang kita ko yon nak.

“Kaya dali dali kitang pinustahan kung sino unang maiyak sa ating dalawa sa kasal mo, talo!!!!

“Bayad [laughing emojis]

“Pero ayaw mong pumusta kasi alam mong matatalo ka. Sadyang nilakihan ko ang pusta ko dahil alam ko mananalo ako.

“Sayang hindi ka pumusta nak, nanalo sana ako ahahahaha”

Nagpasalamat din si Sylvia kay Maine sa maayos na pag-aalaga nito sa anak.

Dagdag niya, “Anyway, today is your 1st Birthday na may Asawa ka na. Nasa tamang Path ka @arjoatayde sa pagiging Anak, Kapatid, Actor, Public Servant at sa pagiging Asawa.

“Masaya ako para sayo at higit sa lahat masaya ako kasi nakikita kong sobrang masaya ka at mahal mo at mahal ka ng mga in laws mo at sobbbbrang saya mo lalong lalo na sa piling ng asawa mong si Maine.

“Maine nak, salamat sa pag aalaga at pagmamahal mo kay Arjo.

“Maligayang kaarawan Juan Carlos Campo Atayde.

“Love you nak #mendozaataydeclan”