Bea Alonzo on Lolit Solis saying s.orry to her: “Kung magiging totoo ako, p.inopr.oseso k.o siya.”

Rey Pumaloy For Pep Ph for PEP.ph
Bea Alonzo on Lolit Solis asking for her forgiveness: “Pero siyempre, sino ba naman ako? Tao lang din naman ako. Sino hindi mag-a-accept ng apology?”

Marami ang natuwa na tila natuldukan na ang mahigit isang taong alitan sa pagitan ng Kapuso actress na si Bea Alonzo at ng talent manager-columnist na si Lolit Solis.

Nagkrus ang landas ng dalawa sa birthday celebration ng Beautederm President and CEO na si Rhea Aninoche-Tan noong November 25, 2023, sa Luxent Hotel, sa Quezon City.

Sa harap ng media, inamin ni Lolit ang pagkakamaling nagawa niya at humingi siya ng tawad kay Bea.

Kaugnay ito ng series of social media posts ni Lolit kunsaan binira niya nang husto si Bea, at karamihan ay mga personal na pang-iinsulto na.

Hiwalay na nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bea bago siya umalis ng event.

Inamin ng aktres na hindi niya inaasahan ang nangyaring paghingi ng tawad sa kanya ni Lolit.

“Hindi ko pa siya napa-process kasi kanina lang nangyari, tapos nandun kayong lahat kanina,” bungad ni Bea.

Sabay paglalarawan niya sa kanyang saloobin: “Kung magiging totoo ako, pinoproseso ko siya.

“Pero siyempre, sino ba naman ako? Tao lang din naman ako. Sino hindi mag-a-accept ng apology?

“Natural, lalo na I know na medyo ano rin ang health niya. Siyempre lahat… or tayo tatanda.

“So, sa akin, it means a lot na may accountability, nag-a-apologize siya.

“Pero sa totoo, ang hirap kasing magsalita kasi kanina lang. Hindi ko pa siya napo-proseso kasi, ‘Wow, ang daming camera.’

“Saka unang beses ko pa lang siya nakilala sa personal. Never ko siyang na-meet sa personal.”

Ang pagkikita nina Bea at Lolit sa event ay tila patunay na maliit lang ang mundo at malaki ang tsansang makita mo muli ang mga taong naging kaibigan o kaaway mo.

Sang-ayon ni Bea, “Oo naman, oo naman, totoo.”

Pagpapakatotoo rin ng aktres, “Hindi ko alam ang sasabihin ko.

“Saka ano, I never said anything. Hindi naman ako yung may binabato, so ano ba yan, baka magkamali pa ako.”

ON ENGAGEMENT WITH DOMINIC ROQUE

July 18 nang mag-propose si Dominic kay Bea sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Quezon City.

Ayon kay Bea, mas lumalim at tumatag ang relasyon nila ni Dominic mula nang ma-engage sila.

“Oo, iba pala talagang level yung happiness, yung pagmamahal. Siguro talagang ganun as you go to one chapter to another, nag-iiba yung level ng love.

“Saka siguro yung security din sa relationship, di ba?

“Alam ko naman noon na talagang family-oriented siya. Ang maganda kasi kay Dom, di ako natatakot magplano ng buhay with him kasi alam ko what he believes in.

“Heto yung gusto niya, heto yung end game.

“Siguro yung pagbabago lang is parang mas na-seal yun. We are now planning for our future together.”

CHRISTMAS PLANS

Tinanong din namin si Bea kung may plano ba silang mag-out of the country ni Dominic lalo’t mahilig silang mag-travel dalawa.

“Yes, aalis kami ng after Christmas. Baka Japan. We love Japan. Isa yun sa paborito naming destination,” pagbabahagi ng Kapuso actress.

Proper time management naman ang goal ni Bea para sa taong 2024.

“I’m very thankful na maraming trabaho na pumapasok. Thankful sa success ng Bash.

“Siguro yung goals, just keep on going, and make sure na nama-manage ko yung time ko ng maayos.

“Para bawat trabaho o personal kong pinapasukan, makukuha nila yung buong ako.”