Katrina Halili relates how she and John Lloyd Cruz became close friends

Katrina Halili and John Lloyd Cruz
In 2021, there had been photos of Katrina Halili and John Lloyd Cruz that circulated and led to speculations that the two were an item. However, a source dispelled the rumor and said that the two are just friends. Recently, Katrina talked about her friendship with John Lloyd.

Ikinuwento ni Katrina Halili kung paano nabuo ang pagkakaibigan nila ni John Lloyd Cruz.

Kasagsagan ng pandemic noong 2021, may mga lumabas na larawan si John Lloyd kasama si Katrina sa probinsya.

May mga larawan si Katrina na kasama sa rest house ni John Lloyd sa Batangas, at may photos din ang dalawa na magkasama sa Palawan, ang hometown ni Katrina.

Binigyang kulay ito ng netizens lalo pa at that time ay hindi pa napapaulat na may kani-kaniyang karelasyon ang dalawa.

Pero natuldukan ang mga haka-haka nang klaruhin ng source ng PEP.ph na magkaibigan lamang ang dalawa.

Bukod pa rito, sinabi rin ng source na matalik na kaibigan ni John Lloyd ang non-showbiz boyfriend ni Katrina.

Sa PEP Live ni Katrina noong November 23, 2023, eksklusibo siyang nagsalita kung bakit naging close sila ni John Lloyd, literally and figuratively.

“Bumili siya ng lot doon sa nanay ko, e. So, kapitbahay kami,” ani Katrina pagtukoy sa kanyang hometown sa Palawan.

Napaulat din noong bumili nga ng lote sa Palawan si John Lloyd at nagpatayo na ng bahay roon.

Kinumpirma ito ni Katrina, na sinabi ring family friend na ang turing nila sa dramatic actor.

“Oo, close naman siya sa family ko. Para ko na nga siyang kapatid kasi yung mama ko, parang anak na siya. Tapos yung brother ko, parang kapatid na rin siya,” saad ng Kapuso actress.

So, maituturing ba niyang isang kaibigan si John Lloyd?

“Oh, yes. Opo naman,” mabilis na sagot ni Katrina.

Katrina Halili and John Lloyd Cruz

Some photos of Katrina Halili and John Lloyd Cruz when they were spotted at the rest house of the actor along with other friends.

JOHN LLOYD AS A PERSON

Inusisa rin ng PEP.ph si Katrina kung kumusta ba si John Lloyd sa likod ng camera.

“Simple. Sobrang simple. Walang sugarcoating sa personality. What you see is what you get,” saad ni Katrina.

“Hindi siya artista sa nakikita ko. Normal na tao.

“Hindi naman niya ipaparamdam sa yo, sa pagkakakilala ko sa kanya, hindi siya ganoong tao, na ipapa-feel ko sa yo na, ‘Artista ako, respetuhin mo ako.’ Hindi. Wala, dedma siya.

“Wala siyang pakialam. ‘Tao ako. Tao ka din pareho lang tayo,’ ganon siya. Sobrang simple.”

Ayon pa kay Katrina, hindi lang silang dalawa ni John Lloyd ang naging magkaibigan kundi pati na rin ang kanilang mga pamilya.

Lahad niya, “Kapag nandoon siya sa Palawan and nandoon din ako, tapos andon yung family nila, lalabas sila, sumasama naman kaming family.

“Kasi ini-invite niya rin kami, e. Kasi parang family na rin niya yung family ko doon.

“Parang nandon na rin yung nagbabantay ng house niya kasi nasa loob ng area namin.”

Dugtong pa ni Katrina, mas nagkikita sila ni John Lloyd sa Palawan at hindi rito sa Manila.