Julie Anne San Jose, nag-react sa sinabi ni Rayver Cruz na siya na ang gustong pakasalan nito

Julie Anne San Jose, reassured sa intensiyon sa kanya ni Rayver Cruz.

Seryoso si Rayver Cruz sa mga pahayag niya sa si Julie Anne San Jose na ang gusto na niyang pakakasalan.

Napag-usapan kasi ang pag-aasawa dahil sa ginagawang drama series ni Rayver na Asawa ng Asawa Ko kasama sina Jasmine Curtis-Smith at Liezel Lopez.

Excited ang aktor sa seryeng ito dahil sa primetime ng GMA Telebabad mapapanood, at magagaling pa ang mga makakasama niya kagaya nina Gina Alajar, Joem Bascon at Martin del Rosario, at si Laurice Guillen ang director.

Kaya dahil sa pag-aasawa na ang pinag-uusapan, tinanong na namin si Rayver kung naiisip na ba niyang si Julie Anne na ang pakakasalan niya.

Julie Anne San Jose and Rayver Cruz are flirting on Twitter and it's too cute to handle | GMA News Online

“Kagaya naman ng sabi ko, e, hindi naman ako nandito para… tumatanda na rin po ako e.

“Doon naman ang punta, e. Wala naman akong hinahangad pang iba. Napakasuwerte ko na nandiyan siya sa buhay ko.

“In God’s perfect time,” nakangiting pakli ni Rayver sa birthday celebration ng Beautederm CEO na si Ms. Rei Anicoche Tan noong Nobyembre 25, 2023, Sabado, sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City.

Si Julie Anne ba ang wife material para sa kanya?

“Everything. Everything. Nasa kanya na po lahat. Loving, caring, sobrang sweet, sobrang bait, sobrang down to earth, and higit sa lahat very God fearing,” mabilis niyang sagot sa amin.

Minsan ay napapag-usapan nila, pero wala naman daw pressure sa kanila kung kailan at kung ano pa ang ibang detalye.

“Hindi naman po nawawala yun na sa isang relasyon kailangan pag-usapan. Yes, napapag-usapan namin. Pero hindi naman po kami para… alam mo yun, yung sa relasyon na kailangan magpakasal na agad.

“Siyempre marami pa po tayong kailangan i-consider. I respect her family so much. I respect her.

“Kung sa akin lang po, talagang kung gusto ng Panginoong Diyos, talagang alam ko po na si Julie na talaga,” saad ni Rayver.

Sa totoo lang, anytime ay puwede na talaga silang magpakasal dahil nakapag-ipon na rin naman si Rayver at may sarili na siyang bahay.

“I think na kahit papano, nagawa ko naman ang dapat at kailangan,” sabi pa ni Rayver.

Parang nataranta si Julie Anne nang hiningan siya ng reaksiyon sa mga pahayag ni Rayver.

Nakausap ng PEP Troika ang Limitless Star sa virtual mediacon ng nalalapit nilang concert na Queendom: Live na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater sa December 2.

Julie Anne San Jose returns to 'Showtime' as TNT judge | ABS-CBN News

Sabi ni Julie Anne, “Lagi naman niya sa akin sinasabi yan. Parang walang araw na never na sinabi sa akin yan.

“And it just proves how reassuring he is, and kung ano yung mga intentions and plans niya for the both of us, together.

“And katulad nga ng sinabi niya, siyempre gusto namin dun na rin papunta. But right now, we’re not really rushing the things.

“We’re just happy, happy lahat yung pamilya ko, pamilya niya, and very supportive silang lahat sa akin, kay Ray, and sa amin, sa lahat na mga decisions.

“And ano talaga, it’s full of love. And naka-happy lang talaga and nakaka-secure siya ng pahayag.”

Siyempre susuportahan ni Rayver ang nalalapit na concert ng Queendom: Live. Malay natin, baka biglang napa-duet silang dalawa, di ba?

Makakasama ni Julie Anne sa Queendom: Live concert sina Rita Daniela, Jessica Villarubin, Thea Astley, Mariane Osabel, at Hannah Precillas.

Naging malaking challenge ang magpuno ng concert venues ngayon.

Mula sa Il Divo concert last weekend, malaki ang challenge sa Queendom in terms of audience attendance lalo pa’t katatapos lang ng mga full house concerts nina Regine Velasquez at Odette Quesada.

Tingnan natin kung ano ang aabutin nina Julie Anne na pagpapakasal ang pinag-uusapan kasama ang mga Queens in their own right. Naks!