Mavy Legaspi at Kyline Alcantara, maglalabas ng joint statement kaugnay ng rumored br.eakup nila

Kyline Alcantara and Mavy Legaspi

JERRY OLEA

More and more ang showbiz couples na nababalitang hiwalay sa iba’t ibang kadahilanan.

Umaming hiwalay na sina Elijah Canlas at Miles Ocampo.

On-off, on-off sina Kris Aquino at Mark Leviste.

Bali-balitang hiwalay na rin sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, Kim Chiu at Xian Lim, Janine Gutierrez at Paulo Avelino, Yasser Marta at Kate Valdez, at Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.

Nakakaintriga ang social media posts ni Kyline at ng ina ni Mavy na si Carmina Villarroel. Nagmumukhang mama’s boy si Mavy.

Ayon sa very reliable source ng PEP Troika, maglalabas ng joint statement sina Mavy at Kyline kaugnay sa estado ng kanilang relasyon. Abangan!!!!!

NOEL FERRER

Joint statement? Makakatulong ba yun sa kanilang pagkatao at pagkaartista?

Galingan na lang sana nila ang kanilang pag-arte upang may mapatunayan na sila sa pagiging aktor nila.

GORGY RULA

Hindi na maipaliwanag ng lahat kung anong meron sa stars bakit nagkakahiwalay, at bakit naging mainit ang mga tao na umabot sa pisikalan ang mga awayan.

Sabi nila, baka epekto ito ng Mercury Retrograde. Malamang may paliwanag diyan ang mga magagaling na astrologers at feng shui experts.

Pero ang dami nang sumasakay, ang daming nagdudunung-dunungan, ang daming may alam.

Mag-ingat lang sa ibang nagsusulat ng mga bigay na bigay na clue, lalo na kapag nagbabanggit ng pangalan.

Naghahanda ang legal team ng isang artistang involved sa hiwalayan, dahil kapag may mabasa silang malapit sa clue ng artistang ito, tiyak na tatapatan ito ng demanda.

Kaya ingat ingat na lang po, kahit may alam o nakukumpirma pang balita. Mabuti sana kung may magagaling kayong legal team kagaya ng sa atin dito sa PEP.ph.