Sarah Lahbati magsalita na kaya tungkol ru.mored br.eak.up nila ni Richard Gutierrez?

sarah lahbati
Sarah Lahbati will make her first public appearance after mother-in-law Annabelle Rama hinted that rumors about the breakup of the actress and husband Richard Gutierrez are true.

Isang araw matapos ipahiwatig ni Annabelle Rama na may problema sa relasyon ng kanyang anak na si Richard Gutierrez at sa asawa nitong si Sarah Lahbati, haharap ang aktres sa mga miyembro ng entertainment press.

Kasama si Sarah sa cast ng Lumuhod Ka Sa Lupa, ang upcoming drama series ng TV5 at Viva Television, na magkakaroon ng presson bukas,Sabado, Disyembre 9, 2023. Ito ang pinakamalaking proyekto ni Kiko Estrada bilang aktor dahil siya ang bida.

Mahinahon ang boses at nakangiti si Annabelle sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News tungkol sa estado ng pagsasama nina Richard at Sarah, na ilang linggo nang napapabalitang hiwalay.

Marami ang naniniwalang may katotohanan ang mga balitang winakasan na nina Richard at Sarah ang kanilang relasyon dahil sa kalmante at maingat na pananalita ni Annabelle.

Kakaiba ito sa kinasanayan ng lahat na palaging palaban kapag nasasangkot ang kanyang mga anak sa mga kontrobersiya.

Tiyak na dadalo si Sarah sa magaganap na media conference ng Lumuhod Ka Sa Lupa kaya interesadong-interesado ang entertainment press na marinig ang reaksiyon niya tungkol sa mga pahayag ng kanyang biyenan na isang buwan nang naninirahan si Richard sa bahay nito at nasa poder ng aktor ang kanilang dalawang anak.

Malalaman bukas ang mga isasagot ni Sarah.

Pero malaki ang posibilidad na manahimik siya at hingin ang pang-unawa ng entertainment press dahil pampamilya at hindi para sa publiko ang mga pagsubok na pinagdaraanan nila ni Richard sa kasalukuyan.

Ang pagpapagupit ng buhok at ang pagiging aktibo muli ni Sarah sa pag-arte ang ilan sa mga basehang ginagamit ng mga tao para paniwalaan nilang hiwalay na talaga ang Gutierrez couple.

Ang mga cryptic post, ang deactivated o limited social media comments, ang mga larawang hindi na sila magkasama ng kanilang mga karelasyon ang mga karaniwanng palatandaan kapag problemado sa love life ang mga artista.

Lahat nang ito ay ginawa na nina Sarah at Richard.