Kathryn Bernardo amid brea.kup with Daniel Padilla: “No looking back, only moving forward.”

KathNiel breakup

Walang “comeback” na nangyari sa pagitan ng dating magkasintahang sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ito ang mahihinuha sa malamang mensaheng ipinost ni Kathryn ngayong Biyernes, December 15, 2023.

Sa Instagram ni Kathryn, ibinahagi niya ang mga litratong nagpangiti sa kanya sa kabila ng pinagdadaanang personal na isyu.

Kabilang dito ang litrato niyang hawak ang 300-year-old mango tree sa isang kilalang wellness resort sa San Benito, Batangas; sweet photo niya kasama ang pamangking si Zharine Qyona; pamamasyal sa beach; pag-inom ng tequila; at tila pag-aayos ng gamit para sa kanyang lipat-bahay.

Maiksing caption ni Kathryn kalakip ng rainbow at white heart emojis:

“Appreciation post for the little things that have been making me smile the past few weeks…

“No looking back, only moving forward.”

KATHNIEL’S UNITED FRONT

Nitong nagdaang dalawang araw, hindi kaila sa publiko ang united front nina Kathryn at Daniel sa mga dinaluhang big events.

Una na rito ang pinagsamahan nilang production number sa ABS-CBN Christmas Special kunsaan kumanta sila ng “I’ll be There For You” ng The Rembrandts, na theme song ng sikat na American sitcom na Friends.

Sumunod ang pagdalo nila sa Asian Artist Awards 2023, kunsaan pareho silang pinarangalan ng AAA Fabulous Award.

Magkahawak-kamay pa ang dalawa nang umakyat sila ng stage.

Base sa isang viral video, hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng netizens ang gentlemanly gesture ni Daniel kay Kathryn nang kunan niya ito ng coat para hindi lamigin ang aktres.

Pati na ang pag-akbay ni Daniel kay Kathryn habang sila ay naglalakad pabalik ng kanilang upuan ay nakunan din ng netizens.

Lubos na natuwa ang fans ng KathNiel sa pagiging supportive ng dalawa sa isa’t isa sa kabila ng hiwalayan.

May ibang umaasa kung may tsansa pang magbalikan ang dating magkasintahan.

Kagabi ay naiulat pa ang pagbura ni Daniel ng original caption sa kanyang IG post nang kumpirmahin niya ang hiwalayan nila ni Kathryn noong November 30.

Kapalit ng mala-tula niyang mensahe para sa ex-girlfriend, pinalitan niya ito ng mga katagang “Ikaw at ako.”

Pero kung pagbabasehan ang latest post ni Kathryn, tila wala ito sa isip ng dalaga sa ngayon.