Kathryn Bernardo lilipat na sa Crown Artist Management nina Maja Salvador at Rambo Nuñez?

GORGY RULA

Maganda ang pasok ng taong 2024 sa Crown Artist Management (CAM) ng mag-asawang Maja Salvador at Rambo Nuñez.

Nagpadala sila ng press release sa PEP Troika na naglalaman ng na-achieve ng ilan sa artists nila.

Kumbaga, “crowning glory of Crown” ang turing nila sa mga talent nila kagaya ni John Lloyd Cruz, na nagwaging Best Actor sa Gawad Urian nung nakaraang taon para sa obra ni Direk Lav Diaz na Kapag Wala Nang Mga Alon.

kathryn bernardo

Maganda rin ang pagtatapos ng 2023 kay Miles Ocampo na hindi inasahang mananalong Best Supporting Actress sa Metro Manila Film Festival 2023 para sa pelikulang Family of Two (A Mother and Son Story) ng Cineko Productions.

Si Maja naman, na pinaghahandaan din ang maternity leave, ay napiling Best Game Show Host sa Asian TV Awards para sa kanyang game show na Emojination sa TV5.

Ilan lamang ito sa mga ipinagmamalaking achievements ng A-lister talents ng Crown Artist Management.

Sabi nga ng CEO ng CAM na si Rambo Nuñez, “Our artists are not just performers; they are storytellers who inspire and entertain. Their success is a reflection of their dedication and collaborative spirit.”

Pero ang isa sa inaabangan naming pasabog ng Crown Artist Management ay ang announcement ng mga bago nilang ima-manage na talents.

Malakas ang bulung-bulungang sila na ang magha-handle sa showbiz career ni Kathryn Bernardo, pagkatapos mag-expire ang kontrata ng aktres sa Star Magic.

May alingasngas kasi noon pang baka iwan na raw ni Kathryn ang Kapamilya network. Pero ang mas malakas na pinag-uusapan na hindi pa naman nakukumpirma ay hindi na raw siya magre-renew ng kontrata sa Star Magic.

CONTINUE READING BELOW ↓ NOOD KA MUNA!

Kasabay kasi nito ang isa pang balitang wala na raw sa Star Magic ang handler ni Kathryn na si Ms. Lulu Romero, na siya ring nagha-handle kina Piolo Pascual at Robi Domingo.

Kasunod nito ay ang naririnig din naming tsikang sa CAM na siya magpapa-handle.

Pero wala pa itong kumpirmasyon at hindi pa namin ito naitanong sa mga taga-CAM, na alam naming hindi pa nila ito sasagutin.

NOEL FERRER

So far, ang inilalabas pa lang na announcement ng Crown Artist Management ay ang pagpasok sa kanilang kuwadra ni Gelli de Belen, at ang kambal na sina Joj at Jai Agpangan.

PHOTO: Crown Artist Management

(From left) Gelli de Belen, Jai Agpangan, and Joj Agpangan

Pagkatapos ng showing ng pelikulang Roadtrip ni Gelli kasama sina Janice de Belen, Carmina Villarroel, at Candy Pangilinan, ito na ang kasunod na balita kay Gelli na active sa mga drama series na ginagawa niya.

Sabi sa press release na ipinadala ng Crown Artist Management, “CAM is thrilled to have these three versatile artists on board. CAM is dedicated to supporting their talents and elevating their professional growth.”

Si Kathryn Bernardo na kaya ang kasunod?

JERRY OLEA

Nobyembre 30, 2023 naglabas ng official statement sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kaugnay sa kanilang paghihiwalay makalipas ang labing-isang taon.

Dawit si Andrea Brillantes, na naging co-star ng KathNiel sa remake ng teleseryeng Pangako Sa ‘Yo (Mayo 2015-Pebrero 2016).

Sa finale mediacon ng Senior High kamakailan, protektado ang bidang si Andrea. Screened ang mga tanong sa kanya na ibinato ng host. Wala nang interbyuhan after the forum.

Protektado rin ng Kapamilya management si Daniel. Iniingatan.

Pakiwari ba ni Kathryn ay mas kinampihan ng ABS-CBN management si Daniel kesa sa kanya? O bahagi lang ito ng pagsulong ni Kathryn sa kanyang career?

Sakaling sumailalim na si Kathryn sa CAM, exciting kung gagawa rin siya ng project sa Kapuso Network, just like John Lloyd Cruz.

E, di ba, gumanap si Kathryn bilang young Marian Rivera sa Kapuso drama series na Endless Love (Hunyo-Oktubre 2010)?

For sure, iwe-welcome ng Kapuso Primetime Queen si Kathryn if ever bumalik ito sa GMA-7!