Chiqui Hollmann, first female co-host of Eat Bulaga!, recalls short-lived relationship with Vic Sotto

chiqui hollmann eat bulaga

Inamin ni Chiqui Hollmann, kauna-unahang babaeng co-host ng Eat Bulaga!, na nagkaroon sila ng short-lived relationship noon ni Vic Sotto.

Kasama siya sa original hosts ng Eat Bulaga! mula 1979 hanggang 1981 noong nasa RPN-9 pa ito.

Sa vlog ni Julius Babao na lumabas ngayong Huwebes ng gabi, February 1, 2024, napag-usapan muli ang pagpasok ni Chiqui noon sa iconic noontime show.

Chiqui Hollmann insert

Paano ba siya nililigawan noon ni Vic?

Lahad ni Chiqui, “I think it was at the time na… Because what you are not aware of is yung grupong yan, yan na.

“After work, kakain lahat kami sa canteen. Magkakasama lang kayo.

“Tapos uwian na, or may lakad pa. Kasi sila, may mga shooting pa after.

“Sometimes, and those guys, they’re shy. Hindi naman sila yung akala mo, nagpapatawa diyan.

“Pagtingin mo, nakaupo lang yan, may kanya-kanyang… seryoso. Hindi sila yung tumatawa o nagpapatawa.”

Parang hindi naman daw siya niligawan ni Vic.

“Magkasama lang kami palagi. Yun lang. Oh, my God!” natatawang pagbabalik-tanaw ni Chiqui.

Chiqui Hollmann insert

Pagbubunyag pa ni Chiqui, magkaibigan ang kanyang anak na si Chia Hollmann at ang misis ngayon ni Vic na si Pauleen Luna, na naging co-host din ng Eat Bulaga!.

Lahad pa ni Chiqui, “Because si Pauleen, when my daughter gave birth, tapos tumatakbo na yung baby, yung kailangan may harang, sabi ni Pauleen, ‘Pahihiram ko yung kay Tali, Chia, pahihiram ko sa yo para may pang harang, may pangkoral ka dun sa baby.’

“Tapos, ‘O, kukunin ko na, ha.’ Kasi may isa na naman, one of the Sotto sisters naman.

“Nagro-rotation yung kanilang pangharang.”

Si “Tali” ang panganay na anak nina Vic at Pauleen.

Chiqui Hollmann insert

Hindi na raw maalala ni Chiqui ang naging takbo ng relasyon nila noon ni Vic lagpas apat na dekada na ang nakararaan.

Natatawa niyang sabi, “It’s been so long. It’s been… I’ve been married for 42 years. I cannot recall.”

Siya rin ang first girlfriend ni Vic sa mga female co-host ng Eat Bulaga!.

Gaano katagal ang relasyon nila?

Ayon kay Chiqui, hindi siya nagbo-boyfriend ng years.

So, siya ang sumusuko?

Paliwanag ng dating TV personality, “Kasi ako, nakaka-separate ako ng trabaho at saka ng personal life.

“Kahit magkasama tayo, puwede ako, puwede ako yung pagkatapos nun, tapos na, bye-bye, ganun.

“Puwede ako nun, yun lang.”

Paano nagtapos ang relasyon nila ni Vic?

Natatawa niyang sagot, “Dinenay. Sabi niya, ‘That’s not true.’

“I heard it. I heard it somewhere.

“Pero, you know, that’s like, ‘It’s alright. Cool.’

“Hindi naman ako yung makikipag-away. Hindi, hindi.”

Paano niya hinandle ang paghu-host ng Eat Bulaga! kahit naghiwalay na sila?

Ayon kay Chiqui, “Sabi ko, ‘Basta you’re happy. It’s okay. I’ll go date someone else.’

“Siguro. Hindi ko matandaan.”

Mula sa Eat Bulaga!, lumipat si Chiqui noon