Umayon sina Wilbert Ross at Nikko Natividad sa opinyon ng ilang netizens na kontra sa ginagawang panghihipo ng pinakamatandang tattoo artist na si Apo Whang-od sa pribadong parte ng katawan ng mga lalaking kliyente nito.
Kabilang na rito ang pinag-uusapan ngayong panghihipo niya sa aktor na si Piolo Pascual.
Nakatsikahan namin sa DZRH ang lead actors ng Viva Films movie na Pagpag 24/7, sina Wilbert at Nikko.
Sabi ni Nikko sa isyung ito, paano raw kung matandang lalaki ang gumawa nito sa kababaihan?
Saad niya, “Yun din po yung problema, e. Kasi paano kung lalaki yung nagta-tattoo na matanda, tapos ginawa yun, di ba?
“Gusto natin ipalaganap yung equality daw, yung gender equality… dapat pantay.
“Pero pag lalaki yung gumawa, magagalit, di ba? Pero pag babae, okay lang.
“Pero sa akin po, personally, kasi nga dahil lalaki naman ako. Pero kung gaganunin ako ni Apo Whang-od, parang wala lang sa akin.
“Pero siyempre, paano naman sa iba?”
Para naman kay Wilbert, nasa tao kung papayag itong magpahipo.
“Sa akin po, wala po siya sa gender kung babae o lalaki. So, it’s about kung may consent.
“Kunwari po, ha? Sabihin natin lalaki yung nagta-tattoo, tapos yung babae ang hinawakan. E, yung babae naman, may consent naman.
“At the end of the day, it’s about consent naman, e. It’s not about gender na babae o lalaki ganun.
“Para sa akin, hindi naman malaking bagay kung gagawin niya yun. Hindi naman siguro pisil-pisilin ng ganito,” napangiting pakli ni Wilbert.
Hindi nakaligtas sina Wilbert at Nikko na nakaranas na mahipuan sa ilang raket nila, lalo na noong aktibo pa ang kinabinilangan nilang all-male group na Hashtags.
“Kung ipapaalam… minsan naman po kasi, pag nagsu-show kami. Minsan parang unfair, merong hahalikan ka sa lips o sa leeg. Siyempre, umiiwas kami, di ba?
“Kasi iniisip nila okay lang, wala namang may mawawala sa yo, lalaki ka. Pero kung artistang babae ang nag-perform sa fiesta, hahalikan sa lips, siyempre lagot ka , di ba po?
“Siguro, consent talaga,” sabi ni Nikko.
Hindi rin nakakalimutan ni Wilbert na noong bata pa siya na talagang nagpiyesta raw ang mga kamay na nanghipo sa kanya.
“Sa akin po, may mga sumusundot talaga. Hindi mo na alam, e… lalo na pag masikip na talaga, hindi mo na mahanap kung sino, e. Bahala na sila sa buhay nila.
“Sana, huwag pa din gawin, alam mo yun. Kasi siyempre, may mga bagay pa din na uncomfortable sa mga tao. Kaya hindi siya dapat ginagawa talaga.
“Kasi ako dati, may trauma ako niyan dati nung bata pa ako, e.
“Naalala ko pa dun sa parang disco, napadaaan ako sa gitna, tapos ang daming tao, dumaan ako.
“Sa pagdaan ko na yun, sobrang daming kamay ang lumapat. As in wala na akong magawa,” kuwento ni Wilbert.
Bago ang Pagpag 24/7, nagbida rin sina Wilbert at Nikko sa pelikulang Working Boys 2: Choose Your Papa, na tinampukan din nina Mikoy Morales, Andrew Muhlach, at Vitto Marquez.
Makakatulong kaya sa 24/7 ang hanash nina Wilbert at Nikko sa cultural icon at living treasure na si Apo Whang-dd?
Naku, huwag naman sanang umabot sa usapin ng equality itong ginawa ni Apo Whang-od .
Hindi naman si Piolo Pascusl ang unang ginawan niya ng ganyan, at alam naman na nating katuwaan at walang malisya iyon kay Apo Whang-od.
Yun na lang, kung na-offend man sina Wilbert at Nikko, e, iwasan na nilang malapit kay Apo Whang-dd.
I don’t think Piolo was offended at all, and if he felt that way, siya ang dapat magsabi nun.
Kasi, icon to icon — Piolo and Whang-Od yun.
Wala pa sa level na yun sina Nikko at Wilbert. Good luck!