Home Trending Claudine Barretto calls Rico Yan her “one great love”

Claudine Barretto calls Rico Yan her “one great love”

Nagpapasalamat si Claudine Barretto sa mga fans nila ni Rico Yan na hanggang ngayon ay hindi nakakalimutan ang yumaong aktor. (Photos courtesy of Clau Barretto Facebook, GMA Network)

Muling inalala ni Claudine Barretto ang pagkamatay ng aktor na si Rico Yan ngayong araw na ito, March 29, 2024.

Sa kanyang Instagram account ay nag-post ang aktres ng mga larawan nila ni Rico, at ng maikling video ng panayam sa kanya ni Karen Davila.

On his death, she says, “March 29 My heart stopped.”
Nagpapasalamat si Claudine Barretto sa mga fans nila ni Rico Yan na hanggang ngayon ay hindi nakakalimutan ang yumaong aktor. (Photos courtesy of Clau Barretto Facebook, GMA Network)

Muling inalala ni Claudine Barretto ang pagkamatay ng aktor na si Rico Yan ngayong araw na ito, March 29, 2024.

Sa kanyang Instagram account ay nag-post ang aktres ng mga larawan nila ni Rico, at ng maikling video ng panayam sa kanya ni Karen Davila.

Ang IG post ay nilagyan ni Claudine ng caption na, published as is: “March 29 My heart stopped.”

May tatlong broken red hearts emojis iyon sa dulo, at hashtag na #alwaysandforever.

Screenshot of Claudine Barretto's IG post

CLAUDINE’S ONE GREAT LOVE

Sa reel kung saan tinanong siya ni Karen kung bakit taun-taon ay dumadalaw siya sa puntod ni Rico, sagot ni Claudine, “Because he is a big part of my life.”

Dagdag pa niya, “So isa lang ang ipinakiusap ko talaga sa mga fans namin ni Rico na huwag kalimutan siya.

“And I’m also thankful ang grateful that talagang up to this day talaga, uhm, they honor him, they celebrate him. And that’s all.”

May nabanggit din ang aktres tungkol sa “one great love.”

Ani Claudine, “Kasi, Karen, I realized, you know, uhm, in your life, sabi nila, you just have one great love, right?

“Parang ganyan. So, ako, feeling ko, ang once upon a time… once upon a time lang talaga.”

Screenshot of Claudine Barretto's IG post

RICO YAN’S DEATH

Matatandaang namatay si Rico noong March 29, 2002 sa edad na 27, Biyernes Santo rin, dahil sa acute hemorrhagic pancreatitis.

Nagbabakasyon siya sa Palawan kasama ang kaibigang si Dominic Ochoa, na siya ring nakadiskubre sa kanyang bangkay.

Showing pa noon sa mga sinehan ang Got 2 Believe, ang certified blockbuster romantic-comedy movie na pinagbidahan nila ni Claudine.

Nagbukas ito sa mga sinehan noong February 27, 2002, pinilahan sa takilya, at naabutan ng pagkamatay ni Rico, kaya matagal na ipinalabas ang pelikula.

May matindi nang problema sa relasyon nina Claudine at Rico nang magkaroon ng press conference ang Got 2 Believe, pero nagawa nilang ilihim sa entertainment press ang katotohanan.

Sa promotions ng pelikula, magkahiwalay pa sila ng van.

Lumutang na lamang ang balitang hiwalay na ang dalawa habang palabas na sa mga sinehan ang Got 2 Believe na siyang naging last movie ni Rico.