Kahanga-hanga ang naging determinasyon ni Remington Salaya, tubong President Roxas, Capiz.
Siya at ang kanyang ate ang magkatulong na nag-alaga sa kanilang apat na nakababatang kapatid nang mamayapa ang kanyang parents habang nasa kolehiyo siya.
Nakatapos si Remington nang may karangalan at nanguna pa sa board exam.
Puno ng challenges ang buhay-estudyante niya noon.
Pangalawa siya sa anim na magkakapatid ng isang broken family.
Maagang namayapa ang ina nila at naiwan silang magkakapatid sa pangangalaga ng kanilang ama na empleyado ng Capiz Sugar Central.
Mabuti na lamang at nakatanggap siya ng iba’t ibang scholarhips upang makatuntong sa kolehiyo at makatapos ng pag-aaral.
Aniya, “I was qualified as a DOST-SEI scholar.”
Maliban sa DOST, isang NGO ang nagbigay rin sa kanya ng scholarship. Ang mga ito ang naging paraan upang habang nag-aaral ay nakakatulong rin siya sa kanyang ama.
Sa kasamaang palad ay pumanaw rin ang kanilang ama dahil sa stroke limang buwan matapos manalasa ang Super Typhoon Yolanda sa kanilang lugar.
Fourth year na sa college noon si Remington sa kursong Bachelor of Science in Chemical Engineering sa Central Philippine University sa Iloilo.
Ikinabigla raw niya ang pagkawala ng ama, at pumasok sa isip niya na huminto na sa pag-aaral.
Ibinahagi ni Remington ito sa panayam sa kanya ng Junior Philippine Institute of Chemical Engineers-CPU Chapter noong August 24, 2020.
Aniya, “The pressure was too much because I had to help taking care of my siblings who are still in school. At the same time, I needed to comply with all university requirements so I could graduate on time.”
Pero naisip rin daw niyang lalong walang mangyayari sa kanilang buhay kung hihinto siya sa pag-aaral.
Mas pinili niyang tapusin ang kurso sa loob ng apat at kalahating taon.
Nag-graduate siya bilang cum laude noong noong October 2014.
Siya rin ang topnotcher sa May 2015 Chemical Engineer Licensure Examination.
WALANG KURYENTE NOONG HIGH SCHOOL
Naibahagi ni Remington ang hirap na kanyang pinagdaanan sa pag-aaral.
Naghiwalay ang kanilang ama at ina noong siya ay grade 4 pa lamang, at sa paglipas ng mga buwan ay literal na nawalan ng ilaw ang kanilang tahanan.
Kuwento niya, “I finished high school without home electricity, literally doing ‘sunog kilay’ on exam days. I wanted to rise from the soil we have been on.”
Inspirasyon naman niya ang pamilya at ang namayapang ina na bedridden na nang magkolehiyo siya.
Ang kanyang ina rin ang dahilan kung bakit chemical engineering ang kinuha niyang kurso.
“I wanted to lift our lives from poverty.
“My mother died when I was a freshman, and she was the main reason I chose chemical engineering. I wanted to develop a process for which she can survive, but my graduation day was too far and too late.”
Nakaranas din siyang bumagsak sa exams, ngunit bumabawi siya pag finals at pinipilit makakuha ng perfect scores.
“Whenever I have academic failures, I just forget about it and move on.”
CONFIDENT NA MAGIGING TOPNOTCHER
CONFIDENT NA MAGIGING TOPNOTCHER
Nang mag-review para sa board, nanirahan si Remington nang libre sa apartment ng isa niyang uncle kahit may kalayuan sa review center para makatipid.
Aminado naman siya na may pakiramdam siyang posible siyang maging board topnotcher.
“I expected to pass because I was confident enough in Days 2 and 3 even if I had difficulties in Day 1.
“But the night before the results were out, I was anxious. I never imagined failing but I imagined being the topnotcher. Thinking about this made my heart skip a beat.
“This was my greatest desire before starting review and I actually have a ‘Topnotcher – Number 1’ post-it note on the wall near my study table.”
Sakay siya ng dyipni nang ibalita sa kanya ng isang kaklase na siya nga ang topnotcher.
Kuwento niya ay muntik na siyang napasigaw sa tuwa sa sobrang pasasalamat sa Diyos.
Agad siyang nagpara at naghanap ng computer shop.
“I confirmed it and posted a screen grab to praise God and thank my benefactors.”
Umabot sa PHP85,000 ang kanyang natanggap na incentives mula sa kanyang pinasukang university, review center, at iba pang sponsor sa kanyang scholarship.
MAAGANG NAGING AMA
Isa pang struggle na nilabanan ni Remington ay ang pagiging ama lalo na nang mag-review na siya para sa board exam.
“I am already a father to a son when I graduated. Financial problem was inevitable, but I managed.
“I was raised to be resourceful, so I just have to keep my PHP5,000 budget a month for essentials.
“I’m thankful that my best friend who is now my wife was very kind and understanding. She is my inspiration, too.”
SIKRETO SA PAG-AARAL
Ibinahagi ni Remington ang kanyang sikreto sa pag-aaral na dala-dala niya hanggang sa pagre-review para sa board exam.
“It is good to jot down notes during the discussion, but it is better that you listen attentively during discussion rather than focusing on writing down notes.
“During studying, it is good to write down concepts in your own understanding in bullet form rather than copy-paste everything.”
Importante rin aniya ang pahinga.
“It’s best to cast your fears and calm your nerves before the board exam. This way you won’t experience mental block.
“Also, put God first.”
Sa kasalukuyan ay konektado si Remington sa Capiz Sugar Central Incorporated bilang Operational Excellence Manager.