Imposible nang makabalik sa sariling bayan si Miss Universe 2023 Shyennis Palacios.
Kinumpirma ito ng La Prensa, ang pangunahing pahayagan sa Nicaragua, sa ulat na nailathala ngayong Lunes, Mayo 13, 2024,
Ito ang headline ng ulat ng La Prensa: “Dueña de Miss universo confirma la salida de la familia de Sheynnis Palacios de Nicaragua y el imposible regreso a su patria dela Miss ”
Sa wikang Ingles, “Miss Universe Owner Confirms the Departure of Sheynnis Palacios’ Family from Nicaragua and the Impossible Return to Her Homeland.”
ANNE JAKRAJUTATIP’S MOTHER’S DAY POST
Ang Mother’s Day post sa social media ni Miss Universe Organization owner Anne Jakrajutatip, noong Mayo 12, 2024, ang ginamit na basehan ng La Prensa tungkol sa diumano’y “indefinite exile” ng Nicaraguan beauty queen.
Nakasaad sa ulat ng La Prensa na kinumpirma ni Jakrajutatip ang pag-alis ng lola at kapatid na lalake ni Shyennis mula sa Nicaragua.
Sheynnis with her brother and grandmother
May kinalaman umano ang administrasyon ni Nicaraguan President Daniel Ortega sa pagpapatapon sa ibang bansa sa 23-year-old beauty queen dahil sa tagumpay nito sa 72nd Miss Universe na ginanap sa El Salvador noong Nobyembre 18, 2023.
Ibinalita ng La Prensa na bago pa naglabas ng social media post si Jakrajutatip, usap-usapan na ang pag-alis sa Nicaragua ng lola at kapatid ni Sheynnis sa bisa ng humanitarian parole para magkasama-sama sila.
Napatunayang totoo to dahil sa isiniwalat ng kontrobersyal na may-ari ng Miss Universe Organization.
Mensahe ni Anne para kay Sheynnis: “You are one of the greatest examples of the butterfly girl with the broken wings who never surrendered with the wrong doing, disrespectful and cruel intention of any authoritarian.
“You are brave, strong and intelligent but yet very humble and hard working to look after your mom and the whole family who are all outside motherland now.
“Thank you for honoring my leadership, management and advisory direction to the point that you now call me ‘Mother Anne.’”
[instagram:
]
Ginamit ng La Prensa sa balita tungkol sa indefinite exile ni Sheynnis ang video nito na kuha sa motorcade na ginanap sa Mall of Asia vicinity, dito sa Pilipinas, noong Mayo 5, 2024, na nagpapakita sa reigning Miss Universe na umiiyak habang yakap-yakap ang watawat ng Nicaragua.
Bumisita si Sheynnis sa Pilipinas mula Mayo 1 hanggang Mayo 7 dahil bahagi ng kanyang Asia Tour ang ating bansa.
Hindi nakontrol ni Sheynnis ang damdamin nito nang makita niya ang libu-libong Pilipino na nag-abang sa kanyang motorcade at binigyan siya ng mainit na pagtanggap.
Napaiyak si Sheynnis sa importansiyang ipinagkaloob ng mga Pilipino dahil mula nang manalong Miss Universe 2023, hindi pa siya nakakauwi sa Nicaragua at hindi pa rinsiya nagkakaroon ng homecoming parade.
Epekto ito ng pagkakasangkot niya sa mga usaping pulitika sa kanyang bayang sinilangan.
Bumisita si Sheynnis sa Pilipinas mula Mayo 1 hanggang Mayo 7 dahil kabilang ang ating bansa sa kanyang Asia Tour.