Anne Curtis makes teleserye comeback after ten years

Walang katotohanan ang kumakalat na haka-hakang hindi na matutuloy si Anne Curtis, 39, na bumida sa Philippine adaptation ng hit Koreanovela series na It’s Okay Not To Be Okay.

Nitong Biyernes, May 17, 2024, opisyal nang inanunsiyo ng Star Creatives at ABS-CBN na si Anne ang lead actress sa It’s Okay Not To Be Okay.

Makakasamaniya rito sina Joshua Garcia, 26, at Carlo Aquino, 37.

Maging ang karakter na kani-kanilang gagampanan ay isinapubliko na rin sa ginanap na TV Project Announcement sa Dolphy Theater sa ABS-CBN Compound. Dinaluhan ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng entertainment press.

Taong 2020 nang ipalabas sa Netflix ang orihinal na Korean series na mayroong 16 episodes.

Pinagbidahan ito ng South Korean stars na sina Seo Ye Ji bilang Ko Moon Young, Kim Soo Hyun bilang si Moon Gae Tae, at Oh Jung Se bilang Moon Sang Tae.

Sa Philippine adaptation, si Anne ang lead female star. Gaganap siya bilang Emilia “Mia” Hernandez.

Anne Curtis confirms teleserye comeback after 9 years

Di Joshua ay gaganap bilang si Patrick “Patpat” Gonzales, ang male lead star na makakapareha ni Anne.

Anne Curtis confirms teleserye comeback after 9 years

Si Carlo naman ay gaganap bilang Matthew “Matmat” Gonzales, ang nakatatandang kapatid ni Patpat (Joshua).

Anne Curtis confirms teleserye comeback after 9 years

ANNE’S DREAM PROJECT

Masasabi raw ni Anne na worth it ang sampung taon niyang pamamahinga sa paggawa ng teleserye, sa proyektong ipinagkaloob sa kanya ngayon ng ABS-CBN.

Ang huling teleseryeng pinagbidahan ni Anne ay ang Mars Ravelo’s Dyesebel, na umere mula March hanggang July 2014.

Pag-amin pa ng aktres, nagandahan siya sa orihinal na It’s Okay Not To Be Okay kaya’t siya mismo ang humiling sa kanyang manager na kung sakaling babalik siya sa paggawa ng teleserye ay gusto niyang gawin ang Philippine adaptation nito.

Pagbabahagi ng It’s Showtime co-host: “It’s definitely worth it. Alam mo yun, siguro hindi naman ako mag-a-accept ng isang project if I didn’t feel it was worth leaving my family for a little bit to shoot.

“So, when they offered this to me, it was an instant yes because I love the original and I couldn’t let it pass.

“So, the moment I watched this series in 2021, I actually called Viva, my manager, Ms. Veronique [del Rosario] and asked her, ‘Ate, kung magbabalik ako sa series, parang I think I would like to do It’s Okay Not To Be Okay. Can Viva please check if we could get the rights for it?’

“After a week, bumalik siya sa akin. Sabi niya sa akin, ‘Anne, nasa ABS na siya.’

“So, sabi ko, ‘Okay, well, if ever matuloy, guys, keep me in mind.'”

ANNE RELATES TO HER CHARACTER

Bukod sa magandang kuwento, excited din daw si Anne na pangatawanan si Mia na hango sa karakter ni Seo Ye Ji na si Ko Moon Young.

Saad niya: “If you look at the original, it’s also storytelling through fashion, which is something that I love. So, sobra din akong excited.

“Pinag-uusapan na namin din ni Direk how we’re going to tackle it and the best way to make it our own also. So, may Filipino catch.”

Nakatitiyak din daw si Anne na maliban sa kanya ay marami ring manonood ang magugustuhan ito dahil sa relatable niyang karakter.

Sabi niya: “I love her journey of growth and I talked about it with Direk Mae [Cruz-Alviar] earlier.

“You see it from the very beginning of the episode until the last.

“You see it in how she dresses and how she changes her hair, how she speaks, how she controls her emotions, how she goes thru the process, pati yung mga outburst niya.

“Sabi ko nga, ‘I can see myself,’ so I think it was a light-bulb moment and she can be relatable to so many.

“And maybe I recognize and I acknowledge that with myself also.”

ANNE FIRST TIME WORKING WITH JOSHUA

Isa pa sa nagpapa-excite kay Anne ay ang makatrabaho at makatambal sa unang pagkakataon si Joshua.

“I’m so excited. It’s my first time working with Joshua so I’m very excited to see how we can bring out the chemistry together,” ani Anne.

Si Direk Mae Cruz-Alviar ang magsisilbing direktor ng Philippine adaptation ng It’s Okay Not To Be Okay.

Ito ang reunion project nina Anne at Direk Mae matapos nilang magsama sa ilang proyekto sa ABS-CBN gaya ng teleseryeng Maging Sino Ka Man (2006) at pelikulang Babe, I Love You (2010).

Noong December 13, 2023, kasabay ng Christmas Special ng ABS-CBN, opisyal na inanunsiyo ang pagsasama nina Anne, Joshua, at Carlo sa teleseryeng nakatakdang lumabas ngayon 2024.