KC Concepcion, Mike Wuethrich unfollow each other on IG

KC Concepcion, Mike Wuethrich unfollow each other on Instagram

Opisyal na bang tinuldukan ni KC Concepcion at ng Filipino-Swiss boyfriend niyang si Mike Wuethrich ang kanilang relasyon?

Ito ang malaking katanungan matapos in-unfollow nina KC at Mike ang isa’t isa sa Instagram.

Ngayong Biyernes, May 31, 2024, kung bibisitahin ang parehong Instagram pages ng dalawa, makikitang hindi na sila lumalabas sa following list ng isa’t isa.

KC Concepcion, Mike Wuethrich unfollow each other on Instagram
KC Concepcion, Mike Wuethrich unfollow each other on Instagram

Bukod pa rito, kapansin-pansin ding hindi na matagpuan sa Instagram feed ni Mike ang ipinost niyang larawan nila ni KC noong September 2023.

Gayong si KC ay hindi pa naman binubura ang Instagram reels niya kasama si Mike.

KC-MIKE BREAKUP RUMORS

Noong April 2024, unang naintriga ang relasyon nina KC at Mike nang mapansin ng mapanuring netizens ang madalas na hindi na pagkikita ng dalawa.

Dumagdag pa rito ang pagiging missing in acton ni Mike sa 39th birthday salubong celebration ng KC noong April 7, dahilan para pag-isipan na sila ay hiwalay na.

Tila mabilis naman itong nakarating kay KC kaya agad din siyang gumawa ng hakbang para ipakita na sila pa.

Sa ipinost niyang video, ipinakita ni KC ang pagtanggap niya ng bulaklak mula kay Mike. Sa tuwa at kilig, pinasalamatan pa ni KC sa caption ng kanyang post ang pagbigay ni Mike sa kanya ng bulaklak kahit ito ay wala sa Pilipinas.

Bahagi ng kanyang caption, “Special thanks to Swizzy who is in Switzerland for sending me my first beautiful birthday blooms that lit up the mood and the whole room.”

Nasundan pa ito noong April 23, nang mag-post si KC sa kanyang Instagram Stories ng sweet picture nila ni Mike para batiin ang nobyo sa kaarawan nito.

Mensahe ni KC (published as is): “happy birthday swizzy. thank you for being the player one to my player two.

“i enjoy every adventure you take me to, and i’m proud to see you overcome every challenge life throws at you.

“i so enjoy your smile when i see it so keep smiling!

“despite the distance there’s a reason god made our paths cross… it’s exciting the good things he has in store for us and for you!

“enjoy today… HAPPY BIRTHDAY! let’s celebrate you!!!”

KC Concepcion shuts down breakup rumors between her and Filipino-Swiss banker Mike Wuethrich, after greeting him sweetly on his birthday
PHOTO/S: SCREENGRAB FROM INSTAGRAM | @KRISTINACONCEPCION

Ikinatuwa naman ito ng kanyan fans, na panandaliang nakahinga nang malamang maayos ang lagay ng relasyon niya kay Mike.

Hanggang nitong May 18, muling pinag-isipang single na muli si KC nang mag-post siya ng mga larawan niya sa Instagram na may makahulugang caption na “Moving on.”

KC Concepcion's cryptic post about moving on
PHOTO/S: SCREENGRAB @KRISTINACONCEPCION INSTAGRAM

KC-MIKE RELATIONSHIP

January 2023 nang magsimulang pag-isipan na may nagpapasaya na sa puso ng aktres, matapos ang ilan taon niyang pagiging single, nang naispatan siya kasama si Mike sa Ayala Alabang market.

Nahagip din ng camera si Mike sa bahay ng ina ni KC na si Sharon Cuneta nang ganapin ang birthday celebration ng Megastar noong January 7, 2023.

Gayunpaman, sa maraming pagkakataon, namamataan sina KC at Mike na magkasama mula sa posts ng iba. Wala rin silang official admission ukol sa kanilang relasyon.

Noong March 2023, may maikling video na ipinost si KC na inabutan siya ng isang lalaki ng heart-shaped white chocolate.

Makahulugang caption ni KC, “Nope, you’re not stealing my heart!!”

Sagot sa caption ng Instagram user @wanderingwatches, “You stole mine though… @kristinaconcepcion.”

Ang handle na @wanderingwatches ay ang IG account ni Mike.

Hindi ipinakita sa video ang kanilang mga mukha sa naturang post na iyon.

Sa isang presscon noong August 25, 2023, bakas na maingat si KC sa pagkukuwento ukol sa kanyang buhay pag-ibig.

Nang tanungin ukol dito, sinabi niya, “Okay naman ang love life. It’s not really something na gusto kong ilabas nang todo-todo, kasi ever since yung first relationship ko, parang masyadong open book lahat.”

Nang matanong sa estado nila ni Mike, ang sagot ni KC ay “Getting to know.”

Pagdating ng mid-August ay lumutang din ang isang video na magkasama sina KC at Mike sa birthday celebration ng half-sister ni KC na si Savannah Concepcion.

Si Savannah ay anak ni Gabby sa kanyang current wife na si Genevieve Yatco Gonzales.

Makikita rin sa video na magkakasama sa isang table sina KC, Mike, at Gabby. Nangangahulugang nagkita na ang dalawang lalaking mahalaga sa buhay ni KC.