Sarah Lahbati “no reaction” to Richard Gutierrez-Barbie Imperial sighting

Sarah Lahbati on Richard Gutierrez-Barbie Imperial rumors
Sarah Lahbati (left) on estranged husband Richard Gutierrez (center) and Barbie Imperial (right) rumored romance: “No reaction. NR.”

Nananatiling tikom ang bibig ni Sarah Lahbati sa pagkakaugnay ng kanyang estranged husband na si Richard Gutierrez sa Kapamilya actress na si Barbie Imperial.

Noong Martes, April 2, 2024, sa mediacon ng upcoming TV5 drama series na Lumuhod Ka Sa Lupa, nahingan ng reaksiyon si Sarah ng entertainment press tungkol sa bulung-bulungang may espesyal na relasyong namamagitan kina Richard at Barbie.

Ito’y matapos kumalat sa social media ang video at ilang larawan nina Richard at Barbie na magkasama sa isang gastropub sa Westgate, Alabang, Muntinlupa, noong gabi ng January 6.

Maikli at natatawang sagot ni Sarah sa entertainment press, “No reaction. NR.”

January 7, 2024, nang makarating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagkakakita kina Richard at Barbie na magkasama, sa gitna noon ng usap-usapang hiwalay na ang aktor kay Sarah.

Ilang customers sa gasttropub ang kumuha ng video ng dalawang celebrities at idinetalye sa PEP.ph kung ano ang kanilang obserbasyon sa pagsasama ng dalawa.

Hindi gaanong malinaw ang kuhang video ngunit mahihinuhang sina Richard at Barbie nga ang magkatabi sa isang mesa, kasama ang ilan nilang kaibigan.

Ayon sa iba pang customers na nakakita kina Richard at Barbie sa gastropup, sobrang kapalagayan nila ang isa’t isa kaya aakalain mo raw na mayroong namamagitan sa kanila.

“Bantay-sarado ni Chard si Barbie,” sabi ng isang source.

Pinatunayan din ng source ang pagiging gentleman ni Richard kay Barbie dahil inalalayan umano nito ang aktres nang magpunta ito sa comfort room.

Samantala, noong March 1, opisyal na kinumpirma ni Sarah sa publiko na hiwalay na sila ni Richard.

Bukod kay Richard, mayroon ding nauugnay ngayon kay Sarah. Isang mystery guy na kasama niya sa Hong Kong kamakailan.

Ngunit paglilinaw ni Sarah, kaibigan lamang niya ito at wala siya ngayong karelasyon.

Saad niya, “Yeah, I went to Hong Kong to experience the art.

“It’s always been a dream of mine to travel around and I was happy that I was able to go.

“And that photo circulating around is one of my friends, as simple as that.

“I visited Hong Kong and met up with different friends.”

Diin pa ni Sarah, walang kaso kung sakali mang magkaroon siya ng bagong karelasyon dahil “single” siya ngayon.

Saad niya, “Is it unfair? Is it bothering me now? No, it takes a lot more for something to bother me now.

“But I think as, as a woman, we’re all allowed to have guy friends.

“But again, it’s okay to speculate because, again, I’m single that and it is part of this whole new thing.”