Nagsalita na ang SB19 members na sina Stell at Pablo tungkol sa nangyayaring pagkakainitan ng ilang fans online. Ito ay kaugnay ng naging pahayag ni Alas Pilipinas player Sisi Rondina sa naganap na Independence Day program sa Busan, South Korea noong Linggo, June 9.
Kapwa guests sa nasabing programa ang SB19 at ang Alas Pilipinas. Sa event, tinanong ang Alas Pilipinas kung kaninong performances ang excited silang makita. Maririnig na may ilang nagsasabi na “SB19,” kung saan sinundan ito ni Sisi Rondina ng sagot na, “Starbucks lang alam ko.”
Agad itong nag-trending online kung saan hindi naiwasan ang sagutan online ng ilang fans ng SB19 at ng Philippine volleyball supporters.
Tulad ng tweets na ito, na sinagot ni Stell: “I personally don’t tolerate this kind of behavior. Stop this.”
Sa pamamagitan ng TikTok live, agad na humingi ng paumanhin ang volleball player na si Sisi sa fans ng SB19. Paglilinaw niya, “Personally, hindi ko talaga sila… I mean, hindi ko alam ba. Ang daming na-offend siguro kaya sorry po talaga. I’m really sorry.”
Samantala, naglabas naman ng pahayag ang leader ng SB19 na si Pablo sa kanyang X account.
Aniya, “Our goal as a team since we started hasn’t changed, ‘Iangat ang kulturang Pinoy sa global stage.’ Simula’t sapul, we worked really hard towards that one goal regardless of the challenges, and we know na hindi kami nag-iisa sa goal na ‘to dahil marami pang ibang Pinoy ang nagsusumikap at nagsasakripisyo para sa layon na ‘to.”
Pagpapatuloy nito, “To A’TIN, salamat sa lahat ng suporta at pagmamahal na ibinibigay n’yo sa amin. Wala kami, kung wala kayo. Sana lagi n’yo tatandaan kung bakit ‘A’TIN’ ang pangalan ng fandom natin. We share our Victories! Sa A’TIN lahat ‘to!
“Respect and acknowledge na hindi lahat ng tao, aware or kilala ang grupo namin. Hindi sa lahat ng oras, everyone will hold a favorable opinion of us. THAT’S FINE!
“Lahat tayo may effort na iangat ang Pinoy. Hindi kailangan ikumpara kung sino mas magaling o mas maraming nagawa. Lahat may pinaghirapan, lahat may nilalaban. Dapat hilahan pataas, kasi iisa lang rin naman ang goal natin. “At the end of the day, we’re proud of, and respect, every Filipino who’s made strides to uplift the country whether sa music, sa sports, and sa iba pang larangan. Mabuhay ang Kulturang Pinoy! Happy Independence day.”