Ipinasilip na ng It’s Showtime ang kilig date nina Rita Daniela at DJ Jimmy matapos sila sumalang sa “EXpecially For You” nitong Sabado, June 8.
Sa episode ng high-rating noontime show ngayong Huwebes, June 13, sinabi ng searchee na si Jimmy na nakakabighani ang smile ng Kapuso songstress.
Aniya, “Pinakanapansin ko, sobrang ganda ng smile kasi ni Rita, as in. Habang kumakain kami, parang imbes na sa food ako naka-focus, sa smile niya.”
Para naman kay Rita, kapansin-pansin daw ang eyes ng kanyang guwapong ka-date.
“Napapatingin talaga ako sa eyes niya. Kasi for me, it’s very important, very expressive ‘yung eyes niya. So, isa ‘yan sa nagustuhan ko.” paglalarawan ni Rita kay Jimmy.
Ipinahayag din ni DJ Jimmy ang kagustuhan nito na mas makilala pa si Rita sa mga susunod na raw.
Aniya, “Napag-usapan namin, if ever meron siyang time, ayun puwede kaming umalis with friends or if ever wala kang kasama, nandito lang ako. If ever, hindi ako busy.”
Source: It’s Showtime & GMA Network
Balikan ang guesting ni Rita Daniela sa “EXpecially For You” last weekend sa video below.