Abot-Kamay Na Pangarap star Kazel Kinouchi de.nies rumors linking her to Richard Gutierrez

Kazel Kinouchi denies romance rumors with Richard Gutierrez
Kapuso actress Kazel Kinouchi (left) denies rumors linking her to Richard Gutierrez (right): “Thank you for free publicity but sad to say it’s not true. Wala kayong juice na makukuha from me.”

Mariing itinanggi ng Kapuso actress na si Kazel Kinouchi ang haka-hakang may relasyon umano sila ng Kapamilya actor na si Richard Gutierrez.

Ito’y matapos umugong ang bali-balitang nagwakas na ang pagsasama ni Richard at ng asawa nitong si Sarah Lahbati.

Bagamat wala pang opisyal na pahayag mula sa kampo ng mag-asawa, nauugnay ngayon ang pangalan ni Kazel kay Richard.

Nagsimula ito nang maispatan kamakailan sina Kazel at Richard na nasa iisang lugar.

Ayon sa mga larawang kumakalat sa social media, makikita ang dalawa na umano’y magkasama sa isang Halloween party.

Kasama rin dito ni Richard ang dalawa niyang anak na sina Zion at Kai.

Sa Instagram post ni Kazel, isang netizen ang diretsahang kinumpronta siya at tinanong kung may katotohanan bang may relasyon sila ni Richard.

Komento ng isang netizen, “[Are] Richard Gutierrez and you in a relationship?”

Mabilis na sagot ni Kazel (published as is), “NO.”

May isa pang netizen ang nagkomento para sabihing dismayado siya kay Kazel.

Saad nito, “Pweh nakita ka din. dissapointing @kazelkinouchi pnafollow ka pa man din n @sarahlabhati.”

Buwelta naman ni Kazel, “Get a life, seriously.”

Kazel-Richard
Sa isa pang hiwalay na IG post ni Kazel, pinagsabihan siya ng isang netizen na huwag pumatol sa taong may asawa.

Komento nito (published as is), “KAZEL PLS LANG WAG NA WAG KA PAPATOL SA MAY SABIT NA. WAG MO SIRAIN KARIR MO NAPAKAGANDA MO AT MAGALING KA ARTISTA YOU HAVE A BRIGHT FUTURE AHEAD DI MO KELANGAN MAKALADKAD SA MGA ISSUE PARA SUMIKAT MAGALING KA NA AT LALO KA PA GAGALING.”

Reply dito ni Kazel, “Don’t believe everything you see on the internet.”

Kazel-Richard
“MAAWA KAYO SA AKIN, HUWAG NIYO AKONG PAG TSISMISAN.”

Sa isang TikTok live video ni Kazel nitong Linggo November 19, muli niyang nilinaw na wala siyang kinalaman sa umano’y hiwalayan nina Richard at Sarah.

Aniya sa video, “Ang masasabi ko lang, time is the ultimate truth teller.

“Hindi po totoo [yung tsismis sa amin ni Richard], ang ganda ko naman po ha.

“Grabe naman kayo, napakaano ko naman…ang haba naman ng hair ko, guys.”

Diin pa ni Kazel, kapitbahay lang niya sina Richard kung saan sila nakuhanan ng litrato pero wala silang anumang relasyon ng aktor.

Sabi niya, “Thank you for free publicity but sad to say it’s not true.

“Wala kayong juice na makukuha from me.

“For the last time [gusto ko lang iklaro] na hindi po totoo yon, kapitbahay lang namin yun.”

Dagdag pa niya, “Maawa na kayo sa akin, huwag niyo akong pagtsismisan.”

Si Kazel ay kasama sa cast ng Kapuso afternoon drama na Abot-Kamay Na Pangarap, kung saan dito ay gumaganap siya bilang si Dra. Zoey Tanyag.

RICHARD-SARAH BREAKUP RUMORS

Nagsimula ang espekulasyong may pinagdaraanan ang relasyon nina Richard at Sarah matapos mapansin ng mapanuring netizens na tila hindi na sila nagkakasama sa mga lakad nila.

Lalo pa’t kilala ang dalawa na mapag-post ng kanilang family trip at bonding sa social media.

Mas tumindi pa ang intriga noong October 26, nang mag-post si Sarah sa Instagram ng video kasama ng dalawang anak nila ni Richard na sina Zion at Kai.

Wala sa video si Richard.

Nilapatan ni Sarah ang video ng kantang “i am not who i was” ni Charles Peña na may lyrics na “So, if I fly too far / Will I still have a place inside your heart? / And, when you see what I’ve become / Will you love me for who I am, not who I was?”

Wala rin si Richard sa picture ni Sarah at ng mga anak na nakasuot ng Halloween costumes habang sila ay nasa hardin ng isang bahay noong October 28.

November 2 at November 4, nag-update si Sarah ng bakasyon nila ng mga anak sa Camp Sirums, isang beach resort sa Siruma, Camarines Sur. Kapansin-pansin ding wala si Richard.

Maging sa big occasions sa showbiz circles ay hindi rin namamataan sina Sarah at Richard.

Solong rumampa si Sarah sa isang store opening ng isang Korean eyewear brand noong October 16.

Maging si Richard ay solo ring dumalo sa Opulence Ball na ginanap noong October 30, 2023 sa Marquis Events Place sa BGC.

Noong October 31, nag-post si Richard ng ilang mga litrato na kuha sa birthday celebration ng ina niyang si Annabelle Rama.

Kapanin-pansin ding wala si Sarah sa mga litrato ni Richard.