Alden Richards, inaming nahulog kay Maine Mendoza at nagkagusto kay Pia Wurtzbach

Pinili ni Alden Richards na mag-macho dancing sa “Talk or Dare” segment ng Fast Talk With Boy Abunda kesa sabihin ang pangalan ng artistang napapabalitang nililigawan niya.

Sa episode ng shownbiz talk show ni Boy Abunda kahapon, October 9, 2023, matagal nag-isip si Alden bago nagdesisyong sumayaw na parang macho dancer habang sinasabi ang isang linya niya mula sa Five Breakups And a Romance, ang pelikula nila Julia Montes na ipalalabas sa mga sinehan simula sa October 18, 2023.

alden richards fast talk

Hindi nagkaroon ng lakas ng loob si Alden na isiwalat ang pangalan ng artistang nililigawan niya. Pero tulad ng kanyang screen name, may mga letrang A at L ang pangalan ng misteryosang personalidad.

Kung tumanggi si Alden na banggitin ang pangalan ng artistang sinusuyo niya sa kasalukuyan, nagpakatotoo naman siya sa pagsagot sa mga tanong ni Boy tungkol sa kanyang former AlDub loveteam na si Maine Mendoza.

“Did you fall for Maine?” tanong sa kanya.

“Yes po. Hypocrite po ako kung hindi. And yes po, ayoko pong sabihin na alam niya, pero I did confess,” diretsahang sagot ni Alden.

Inamin din ni Alden na nagkagusto siya kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, pero hindi ito nalaman ng beauty queen na engaged na ngayon kay Jeremy Jauncey.

Lahad ng Kapuso actor, “Since sa Eat Bulaga! po, siyempre best friends sila ni Pauleen Luna, every now and then, si Pia would go there to say hi hello to Pauleen, tapos nag-uusap sila.

Alden Richards relies on this hygiene product to stay fresh and cool during busy days | PEP.ph

“As in nakikita ko po siya nang hindi naka-glam so very… wala rin pakialam. Yung puso mabuti.

“And then, after she won, I saw her biglang parang grabe… I can attest that she has remained the same.”

Sa guesting ni Mikee Quintos sa Fast Talk With Boy Abunda noong October 2, 2023, matapang niyang ipinagtapat na nagkagusto siya kay Alden at umasang magkakaroon sila ng relasyon pero hindi nangyari.

Reaksiyon dito ni Alden, “Ngayon ko lang po siya narinig. Actually, nagulat po ako but Mikee and I were very close during the tapings po.

“But siguro po, parang I don’t know, ako po ang understanding ko is at the context of friendship.”