Alden: “Gusto ko yung mga anak ko, makikita ko yung paglaki nila.”
Napangiti si Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque ng Cineko Productions nang kinulit siya ng entertainment media kung totoo bang masusundan ng isa pang Sharon Cuneta-Alden Richards project pagkatapos nitong Family of Two (A Mother and Son Story).
Pinuri ng Megastar ang mga taga-Cineko, kaya gusto raw nilang magka-project uli sa naturang film production.
Gusto rin ni Alden, at sana puwede raw makipag-co-prod ang kumpanya niyang Myriad Corporation.
Excited ang Asia’s Multimedia Star sa mga gagawin ng Myriad Corporation, kaya punung-puno na ang schedule niya sa taong 2024.
“Sobrang dami po naming gagawin next year. In terms of concerts, international concerts, meron din po akong international film na gagawin next year.
“Sa New York ko po siya isu-shoot, tapos foreign production po siya.
“It’s a trilogy of short films. Pero it’s more on an advocacy film po siya on women empowerment and women’s rights po,” sabi ni Alden nang nakatsikahan namin siya sa pa-Thanksgiving party nito sa press nung Linggo, December 17, 2023, na ginanap sa pag-aari niyang Stardust bar sa Makati City.
Hiniritan namin ang Kapuso actor kung paano na ang love life niya sa dami ng mga ginagawa niya.
Seryoso si Alden pagdating sa relasyon. Para sa kanya, hindi niya kayang pagsabayin ang love life at ang kanyang showbiz career.
Sakaling magka-love life na siya, yun na raw ang panahong magla-lie low na siya sa showbiz.
“Parang ganun ko po siya iniisip,” sambit ni Alden.
“Ready na pong iwan yung work ko. Ready na po akong mag-lie low.
“Ang hirap kasi nun, parang halimbawa mag-partner ka and then… I’m not saying hindi ko siya inuunahan ng iisipin ng partner ko.
“But really, it’s more of…. if I wanna venture into settling down stage, gusto ko andun ako sa family ko. Gusto ko yung mga anak ko, makikita ko yung paglaki nila.
“Kaya nakikita po natin ang iba natin ang mga nakakasama natin sa showbiz, nawawala for sometime and then babalik.
“Ako po kasi, siguro by the time na magka-family, mas focus ko yung family ko.
“And then, pag nagkaroon na lang ako ng chance na babalik, pero babalik mo na,” dagdag niyang pahayag.
Hindi pa masabi ni Alden kung gusto niya ng showbiz or non-showbiz girlfriend. Hindi maiwasang magkakaroon ng conflict kung taga-showbiz ang magiging girlfriend niya.
“Kasi may mako-compromise po ako and right now… ayoko siyang pangunahan, and ayoko ring sabihin na ayoko ng showbiz, ayaw ko ng non-showbiz. Come what may po.
“So far, ang come what may naman po sa akin nagwu-work, e. Kaya hintayin ko na lang po.”
Just go for it, Alden!!!
Dinagsa ng fans ang premiere ng Family Of Two (A Mother and Son Story) sa TriNoMa, Quezon City.
Present sina Sharon Cuneta at Alden Richards, at co-stars na sina Miles Ocampo, Pepe Herrera, at Jackielou Blanco,
Dumalo rin sina Coco Martin, John Estrada, Ogie Diaz, Ara Mina, Bayani Agbayani, John Arcilla, Michael de Mesa, Shamaine Centenera, Noni Buencamino, Jessica Soho, MTRCB Chair Lala Sotto.
Coco Martin (shades) and Michael de Mesa (partly hidden, with hat)
The cast, writer, and director of Family Of Two
Nandun din ang mister ni Sharon na si former Senator Kiko Pangilinan at ang kanilang mga anak na sina Miel at Miguel Pangilinan; at ang ama ni Alden na si Richard Faulkerson.
Bahagi ng maikling pananalita ni Alden bago ang screening, “This film is really close to my heart because it’s a mother-and-son story.
“You know I lost my mom 15 years ago. So I offer it to her, this film. So with Mama, with Miss Sharon, I was able to relate to those moments… of that I was with my mom.
“So, sana ganun din ang maramdaman nyo.”
Sabi naman ni Ate Shawie, “First of all, I’m here for you forever, Alden. Kahit hindi na tayo nagpepelikula, nandito si Mama. Huwag mong kalilimutan.
“And I want to dedicate this movie, first of all, to my son Miguel because he’s here tonight, and my daughter Miel. Frankie is arriving tomorrow pa so… and all my kids.
“And Kiko is here also. So it’s also a movie not just for a mom and a son but also for a parent and the parent’s child.”
Miel, Miguel, and Kiko Pangilinan
Pinasalamatan ni Megastar ang Sharonians na patuloy ang pagsuporta at pagmamahal sa kanya, pati ang mga kaibigan niyang dumalo sa premiere night.
Thankful din si Ate Shawie sa fans ni Alden na napaka-loving.
Ang Family Of Two (A Mother and Son Story) ay official entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023 na magisisimula sa December 25.