“She’s even spending money to spread fake news.”
Kontrobersyal ang bagong Instagram post ni Abdel Lahbati nitong Linggo ng hapon, Disyembre 17, 2023 dahil mabigat ang kanyang paratang na nagbabayad ang isang tao para magkalat ng fake news.
Si Abdel ang ama ni Sarah Lahbati at kahit hindi siya nagbanggit ng pangalan, marami ang naniniwala na patungkol sa ina ng estranged son-in law niya na si Richard Gutierrez ang kanyang matinding akusasyon.
“Until now we’re just quite ignoring some barking dogs but someone doesn’t want to stop talking about this issue, she’s even spending money to spread fake news, we choose to spend money to enjoy our life.
“Thanks to everyone for your love and support for Sarah. Wishing you and your family peace, health, happiness and prosperity in the coming year, Mery [sic] Christmas,” ang intriguing post ni Abdel na tiyak na hindi palalampasin ni Annabelle dahil siguradong sasagutin nito ang mabigat at walang basehan na bintang ng ama ng kanyang estranged daughter-in law.
Ilang linggo nang pinag-uusapan at pinagpipistahan ang diumano’y paghihiwalay at pagwawakas ng relasyon nina Sarah at Richard bilang mag-asawa, pero nananatiling tikom ang kanilang mga bibig kaya sari-saring mga haka-haka ang kumakalat.
Nakumpirma na totoong may problema sa pagitan nina Sarah at Richard dahil sa panayam kay Annabelle ng ABS-CBN News at sa kanyang social media post noong Disyembre 8, 2023 na “Sino ba ang may gustong mag- hiwalay sila. Ako ba? Or ang mag- ina.
“Wag n’yong idiin sa akin ang nangyayari ngayon. Ako ang walang alam sa nangyari ang bilis. Nagulat na lang ako biglang dumating ang nanay at tatay galing ibang bansa. Doon na nag- umpisa ang malaking gulo. ‘Wag n’yo ibagsak sa akin ang sisi.”
Sa huling social media post ni Annabelle ngayong Linggo, Disyembre 17, 2023, muli siyang nagpasaring nang ikuwento niya ang mga sinasabi sa kanya ng mga tao na nakahalubilo nila ni Eddie Gutierrez nang bumisita sila sa bagong bahay sa General Santos City ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao.
“Maraming mga good messages at greetings na sinabi sa akin ramdam ko ang pagmamahal ng tao kaya salamat sa inyong lahat.
“Huwag ko na raw pansinin ang mga fake news dahil hindi sila naniniwala especially sa idol nilang si Richard, alam n’yo na kung saan galing ang mga fake news.
“Hindi ko na babanggitin ang inggetera, mamatay ka sa inggit dahil alam ng tao kung anu ang totoo, matatalino sila,” ang pahayag ni Annabelle na hindi rin nagbanggit ng pangalan pero may mga naghihinala na ang mga magulang ni Sarah ang pinatatamaan niya ng kanyang matatalas na salita.