Andrea Brillantes grilled if she still cries about her e.x: “Natatawa lang po.”

May halong pangangantiyaw kay Andrea Brillantes nang tanungin siya tungkol sa desisyon noon na pinagtatawanan na niya ngayon.

Tungkol sa pag-ibig ang sagot ng aktres.

Guest co-host si Andrea sa ABS-CBN noontime show na It’s Your Lucky Day kahapon, Martes, October 24, 2023.

Napag-usapan ng hosts ang tungkol sa ginawa nila noon pero kaya nang pagtawanan ngayon.

“Yung nagmahal ako nang sobra,” sagot ni Andrea, dahilan para tuksuhin siya ng mga kasama niya sa programa.

“Hindi ko pinagsisisihan, pero pagtatawanan ko na. Yung, grabe, nagmahal ako nang sobra sa mga taong hindi naman deserve yung pagmamahal na binigay ko.”

Paglilinaw niya, “Hindi po tayo sad today. Grabe lang po kasi akong magmahal.”

Tinanong si Andrea kung maregalo ba siya sa taong minamahal.

“Hindi lang po yon,” sagot niya. “Sobrang maregalo.

“Tapos ako yung tipong kahit galing taping, pagod na pagod na ako, ako pa rin ang magtitiklop pa ng damit, color-coordinate ko pa lahat.

“Ngayon, napagtatawanan ko na siya na, ‘Bakit ko ba ginawa yon sa taong yan?’”

Sagot sa kanya ni Robi Domingo, “Dahil mahal na mahal mo.”

“Mahal ko,” pagsang-ayon ni Andrea.

Tanong naman ni Melai Cantiveros kay Andrea, “Napagtatawanan ba talaga or parang naiiyak ka pa…”

Sagot ni Andrea, “Natatawa lang po. I’m in a better place now.

“And yung love na deserve na nabibigay ko sa kanila, na hindi nila deserve, ngayon nabibigay ko na sa sarili ko. Kaya mas masaya ako.”

Sa isang punto, sumundot si Luis Manzano sa pahayag ni Andrea tungkol sa mga taong hindi deserving mahalin.

Biniro niya si Andrea na pangalanan ang kanyang ex-boyfriend. Tumawa lang si Andrea sa kabila ng pangangantiywas sa kanya.

Ang huling nakarelasyon ni Andrea ay ang basketbolistang si Ricci Rivero.

Naging kontrobersiyal ang kanilang breakup dahil hindi maganda ang paghihiwalay nila.

Pagpapatuloy ni Andrea, “As in, grabe kasi akong magmahal. Pero ngayon pag naiisip ko, grabe yung mga binigay ko dati, yung ginawa ko talaga dati.”

ANDREA AND RICCI RELATIONSHIP

June 2023 nang kumpirmahin ni Ricci ang paghihiwalay nila ni Andrea.

Pinag-usapan ang breakup nila dahil sa rebelasyon ni Andrea na nahuli umano niya si Ricci na may kasamang non-showbiz girl.

Itinanggi naman ito ng basketbolista at sinabing kaibigan lang daw niya ang babaeng pinagsuspetsahan ni Andrea.

Pagdating ng Agosto, mas tumindi ang kritisismo sa binata dahil hindi pa humuhupa ang isyu sa kanila ni Andrea ay nagkaroon ng siya ng sightings kasama ang dating beauty queen na si Leren Mae Bautista.

Itinanggi nina Ricci at Leren ang pag-uugnay sa kanila noon dahil wala raw namamagitan sa kanila.

Pero sa kabila nito ay nasundan pa ang sightings kina Leren at Ricci.

Hanggang sa tuluyan na ngang kinumpirma ni Ricci na magkarelasyon na sila Leren nito lamang Sabado, October 21.

Pero iginiit ni Ricci na hindi si Leren ang dahilan ng breakup nila ni Andrea.