Andrea Brillantes’ mother to cr.itics of daughter: “Bahala kayo dyan lahat mag.kagulo”

Andrea Brillantes and mom Belle Brillantes
Belle Brillantes proud of her daughter’s achievements despite being criticized: “Napag tapos nya sa school mga kapatid nya, nakapag pagawa ng bahay, may sariling negosyo.” PHOTO/S: @BELLE_BRILLANTES AND @BLYTHE ON INSTAGRAM

Naglabas ng reaksiyon ang ina ni Andrea Brillantes na si Belle Brillantes kaugnay ng mga akusasyong ipinupukol sa kanyang anak.

Ipinagtanggol din ni Belle si Andrea sa isang kritiko na kinuwestiyon ang ginawang pagpapalaki ng ina sa anak na aktres.

Ipinagmalaki rin niya ang anak sa achievements nito sa gitna ng pagpuna ng mga kritiko.

Matinding bash ang tinatanggap ngayon ni Andrea na inaakusahang third party umano sa hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Tila “unbothered queen” ang peg ni Belle na sa kabila ng matitinding paratang sa anak ay patuloy sa pagti-train bilang isang freedive athlete.

Malaman ang kanyang IG post noong December 2, 2023 dahil nag-react siya sa aniya’y pagpapakalat ng “hate and lies” at “negativity.”

Nag-post si Belle ng larawan kasama ang kanyang coach na may hawak na scoreboard sa ginagawa niyang freedive training.

Caption ni Belle (published as is), “So much hatred in the net these days . We turned into bunch of savages . Spread all that hate and lies , these negativity will not break my spirit.

“I am thankful for being alive , my kids and my mom being healthy . Im surrounded by people with so much love and compassion.

“Hate is baggage, life is too short to be angry all the time .

“I may not be getting the numbers that im aiming but i shall compete again tomorrow, i will finish this competition.”

Patutsada pa niya sa mga pang-iintriga, “bahala kayo dyan lahat magkagulo.”

Klarong reaksiyon ito ng ina sa matinding bashing na natatanggap ng anak kaugnay ng hiwalayang Kathryn at Daniel.

Belle Brillantes
PHOTO/S: @BELLE_BRILLANTES AND @BLYTHE ON INSTAGRAM

Sa comments section, may isang netizen na tinanong si Belle kung anong klaseng pagpapalaki ang ginawa niya sa ina.

Tanong ng netizen (published as is), “papano mo kaya pinalaki si andrea no?”

Sinagot ito ni Belle na inisa-isa ang nagawa ni Andrea para sa sarili at pamilya.

Reply ng ina ng aktres (published as is): “paano ? Napag tapos nya sa school mga kapatid nya , nakapag pagawa ng bahay , may sariling negosyo , ikaw anong Ambag mo sa mundo ?”

Belle Brillantes comment
PHOTO/S: @BELLE_BRILLANTES ON INSTAGRAM

Nagsunud-sunod din ang iba pang hindi magagandang paratang ng netizens kay Andrea kaugnay ng breakup ng KathNiel.

Tila burado na rin ang sagot ni Belle sa netizen.

Noong Biyernes naman ay may reaksiyon ang close friend ni Andrea na si Bea Borres.

Tinanong ng netizens si Bea kung bakit nananahimik si Andrea ukol sa isyu.

“Mag-asaran tayo dito. Wala kayong makukuha sa akin,” banat ni Bea sa mga kritiko nila ni Andrea.

Humirit pa si Bea na noong ipinagtatanggol niya si Andrea ukol sa ex-boyfriend ng huli na si Ricci Rivero ay sinasabihan siyang manahimik na lang at tinawag pang sawsawera.

Ngayon naman daw ay hinahanapan siya at si Andrea ng reaksiyon hinggil sa latest isyu na kinasasangkutan ng huli..

November 30, 2023 nang pinag-usapan sa industriya ng showbiz ang inilabas na official statement nina Kathryn at Daniel para kumpirmahin ang matagal na usap-usapang break na sila.