Magagamit na ba kaagad nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon o TVJ ang titulong Eat Bulaga! bilang kapalit ng E.A.T. title ng kanilang noontime show sa TV5?
Ito ang sinagot ni Atty. Buko dela Cruz sa programang Sa Totoo Lang ng One PH ngayong gabi ng Martes, December 5, 2023.
Si Dela Cruz ng Divina Law ang abogado ng TVJ sa pagpapakansela nila sa “Eat Bulaga” at “EB” trademark ng TAPE.
Unang iginawad ng Intellectual Property Office o IPO sa Television And Production Exponents (TAPE), Inc. ang renewal ng “Eat Bulaga” trademark nitong nakaraang August 2023.
Kahapon, December 4, 2023, kinansela na ng IPO ang “Eat Bulaga” at “EB” trademark ng TAPE sa desisyong pinirmahan ni Atty. Josephine Alon, Adjudication Officer ng Bureau of Legal Affairs ng IPO.
Pahayag ni Atty. Dela Cruz sa One News ngayong gabi, “Naglabas na ang IPO ng desisyon tungkol doon sa cancellation ng trademark registration ng TAPE sa pangalang Eat Bulaga na pinayl ng Tito, Vic, and Joey.
“So, kinatigan ng IPO ang petitioner—sina Tito, Vic, and Joey.
“At sinabi nila na ang originator, creator o may likha ng nasabing trademark na ‘Eat Bulaga’ ay ang Tito, Vic, and Joey.
“So, TVJ is Eat Bulaga. Eat Bulaga is TVJ.
“Kaya po, ang desisyon ay kinakansela ng IPO yung ginawang pagrehistro ng Eat Bulaga sa pangalan ng TAPE.”
Effective na ba kaagad ito? Maririnig na ba ulit ng legit Dabarkads ang sikat na theme song ng show?
Saad ng abogado, “Actually, puwede na.
“Pero bukas yata magkakaroon ng presscon ang TVJ, alas diyes ng umaga, ipapaliwanag nila yung kanilang mga plano at yung buong detalye.