Andrea Torres on working with Bea Alonzo: “Pressured na pressured kami.”

Kahit na isa siya sa mga leading lady ng Kapuso Network, hindi ikinaila ni Andrea Torres na big deal pa rin sa kanya na makatrabaho si Bea Alonzo.

Si Andrea ang tila kontrabida sa Love Before Sunrise, ang bagong GMA prime-time series na pagtatambalan nina Bea at Dennis Trillo.

Sa takbo ng kuwento ng serye, gaganap si Andrea bilang asawa ni Dennis, habang si Sid Lucero naman ang asawa ni Bea.

“For me, special ‘to. kanina nga, nagko-compare notes na kami ni Sid habang ini-interview si Bea at saka si Dennis,” natawang pag-amin ni Andrea.

Andrea Torres on working with Bea Alonzo on Love Before Sunrise

Patuloy niya, “Kasi, si Dennis, Sid at ako, kami ‘yong tatlong kabang-kaba na pumunta sa set.

“Pressured na pressured kami kay Bea.”

Humarap si Andrea sa press sa mediacon/special screening ng Love Before Sunrise, na ginanap sa SM Megamall Cinema 2, Sabado, September 16, 2023.

Pangarap daw talaga ni Andrea na makasama sa proyekto si Bea.

“Talagang noong lumipat siya sa GMA, talagang winish ko na maka-work siya,” ani Andrea.

Dagdag niya: “Si Dennis, sa mga interview ko before, talagang palagi ko naman siyang binabanggit na gusto ko siyang makatrabaho. So, third time na namin.

“Itong si Sid, nagbabalik after Millionaire’s Wife, so, grabe talaga.

“Grabe silang maka-trabaho. Kita mo yung dedication and ang ganda na dini-discuss yung scene bago i-atake, also with Direk.”

Huling nakatrabaho ni Andrea si Dennis sa Kapuso prime-time series na Legal Wives noong 2021. Ang The Millionaire’s Wife ay ang pinagbidahang serye ni Andrea noong 2016.

Andrea Torres’s reaction after she was slapped by Bea Alonzo in ‘Love Before Sunrise’ PHOTO: Screengrab from GMA Network YouTube

ON GMA-7 PICKING THE RIGHT ROLE FOR HER

Marami nang pinagbidahang teleserye sa GMA-7 si Andrea, pero tinanggap niya ang bago niyang karakter bilang Czarina sa Love Before Sunrise.

“For me, naiiba ‘to kasi ang layu-layo sa huli kong ginawa,” tukoy niya sa mga huli niyang acting projects tulad ng Maria Clara at Ibarra at BetCin.

“Gusto ko laging natsa-challenge. Gusto ko laging nagsu-surprise sa tao.

“And I trust my network kapag sinabi nila na, ‘Feeling ko, ito ang next na para sa ‘yo.’

“Gagawin ko talaga ‘yon, kasi yon din ang naisip nila sa akin for my last one, yung Sisa.”

Ang Sisa ang karakter na ginampanan ni Andrea sa Maria Clara at Ibarra.

ON PORTRAYING NEW ROLE IN LOVE BEFORE SUNRISE

Kuwento pa ni Andrea, inaral niya nang husto kung paano niya bibigyang-buhay ang role niya sa Love Before Sunrise.

Paglalarawan niya rito, “Makikita niyo rito sa Love Before Sunrise na meron siyang malalim na pinaghuhugutan.

“Ako kasi, kapag gumagawa po ako ng character, hinahanap ko ang puso niya. Kailangan maintindihan ko siya. Medyo nagiging protective ako sa kanya.

“Palagi kong iniisip na, ‘Ah, ganito si Czarina kasi feeling niya deserve niya ang lahat ng bagay. Lumaki siya na walang love sa parents, yung love at support na kailangan niya.’

“So, challenging yun for me na magkaroon ng gano’ng lalim si Czarina at maka-relate pa rin sa kanya ‘yong tao.”

Sana raw ay magustuhan ng mga manonood ang performance niya sa serye.

“Hopefully, kahit papaano, maka-connect pa rin sila kay Czarina. Kasi, lahat naman tayo, di ba, flawed?

“So, ito ang ang chance rin na maipakita ang story, ang journey ng isang tao katulad ni Czarina.”

Proud si Andrea sa mga nagawang eksena nila ni Bea.

Aniya, “Kahit na visually, maganda ang mga eksena namin ni Bea na tapatan.”

Dennis Trillo with Andrea Torres in ‘Love Before Sunrise’ PHOTO: Screengrab from GMA Network YouTube

NO WHAT IF

Ang kuwento ng serye ay may premise na “What if?”

Kaya tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andrea kung sa buhay pag-ibig niya ay nagkaroon siya ng “What if?”

Nakangiting sagot ni Andrea, “Wala akong ‘what if?’ kasi, feeling ko lahat may reason talaga.

“Light lang ako magdala ng mga nangyayari sa buhay ko. Hindi ko iniisip masyado yung mga gano’ng bagay.

“Basta go with the flow lang ako.”