Art Atayde to daughter-in-law Maine Mendoza: “Where’s the baby?”

On March 2, 2023, Maine Mendoza received a surprise birthday greeting from her father-in-law, Art Atayde, during her birthday episode on the TV5 noontime show Eat Bulaga!. In his message, Art humorously remarked to Maine: “Tumatanda ka na. So, where’s the baby? Ano ba ang ginagawa ninyo ni Arjo?”

Sunud-sunod ang sorpresang natanggap ni Maine Mendoza sa birthday special nito sa Eat Bulaga! nitong Sabado, March 2, 2024.

Bukod sa surprise appearance ng kanyang asawang si Arjo Atayde, nagpaabot din ng pagbati ang iba pang mahal sa buhay ni Maine bago ang 28th birthday nito sa Linggo, March 3.

Ilan sa mga nagbigay ng video greeting kay Maine ay ang kanyang in-laws na sina Sylvia Sanchez at Art Atayde.

Unang nagbigay ng kanyang sweet birthday message si Sylvia.

Sabi nito kay Maine, “Hi, ‘nak! Maine! Gusto ko naman magpasalamat sa yo. Bakit?

“Kasi dahil sa asawa mo si Arjo, nakikita ko yung anak ko, sa tuwing kausap ko siya… nakikita ko yung sobrang masaya si Arjo.

“Nakikita ko yun sa galaw, sa kilos niya, sa mga mata niya, at sa ngiti niya.

“Masaya ang anak ko dahil sa yo, dahil sa pagmamahal mo sa kanya, at pag-aalaga mo sa kanya.

“At dahil diyan, ‘nak, gusto ko lang din sabihin sa yo na ako, ang Daddy D mo, at ang mga kapatid mo ay andito kami lagi para sa yo.

“Handang sumuporta sa yo anytime, anak. At ang wish ko sa yo, maging masaya pa.

“Yung totoong kaligayahan, yung totoong kasiyahan, anak. Kasama si Arjo sa binubuo niyong pamilya.

“Happy, happy birthday, ‘nak! I love you so much!”

Tila nabigla naman si Maine sa naging birthday greeting ng kanyang father-in-law na si Art Atayde.

Sinimulan ni Art ang kanyang birthday message kay Maine na puno ng papuri.

Sabi nito, “First of all, I would like to greet my very nice, very loving, and beautiful daughter-in-law, Maine Atayde, a very, very happy birthday.”

Pabirong dagdag ni Art, “Ayan, Maine, ha, pinupuri kita dahil birthday mo.”

Napatakip na lang ng bibig si Maine sa sumunod na sinabi ng kanyang biyenan.

Sabi ni Art, “Pero, tumatanda ka na. So, where’s the baby?

“Ano ba ang ginagawa ninyo ni Arjo? Palibhasa, puro shopping siguro?”

Patuloy nito, “Alam ko di ka naman makakaganti ngayon kaya naisahan na kita.”

Pagtatapos ni Art, “As I said, kidding aside, I wish you all the best and hope you will have a good one. Just remember that we will always be here for you and we love you.

“Happy, happy birthday.”

Hindi naman pinalampas ni Vic Sotto ang sinabi ni Art.

Sabi ni Vic kay Maine, “Sagutin mo yung tinatanong ng father-in-law.”

“Coming soon!” maiksi namang sagot ni Maine.

Bukod kina Art at Sylvia, may mensahe ring ipinadala ang kapatid ni Arjo na si Ria Atayde.

Pagbati ni Ria kay Maine, “Hi, Sisms! Happy, happy birthday!

“First of all, thank you for loving Arjo the way you do and for extending that love to all of us.

“You know that the more I spend time with you, the more and more I love you.

“And I’m just so grateful you’re the new addition in our family. Kasi, super. Like, thank you talaga. Yun lang.

“You already know the rest and I’m gonna keep this short and just say I really wish that this year gives you everything your heart desires.

“And I’m always just here for you. I love you! Happy birthday, Sisms!”

MAINE MENDOZA: BIRTHDAY GREETINGS FROM HER FAMILY

Short but sweet naman ang message ng mga magulang ni Maine na sina Mary Ann at Teddy Mendoza.

Sabi ni Mary Ann sa kanyang anak, “Hi, Meng. Happy birthday.

“Palagi mong tandaan na you’re always surrounded by the love of your friends and family.

“And we cherish you. Sana magkaroon ka pa ng maraming birthday at mag-iingat ka parati.

“Salamat sa mga surprises, salamat sa mga blessings na sini-share mo hindi lang sa family mo, hindi lang sa mga friends, kung hindi pati sa mga taong nangangailangan.

“Just always remember, we love you so much. Ingat ka parati and God bless.
Happy birthday again.”

Dagdag naman ni Daddy Teddy, “Lagi mong tandaan nandito ang pamilya na kasuporta sa inyong mag-asawa, si Arjo.

“At kami naman, masaya din dahil nakatagpo ka na isang kamukha ni Arjo na magpagmahal at nagkakaunawaan kayo sa lahat ng oras. Happy birthday.”

Nagpadala rin ng birthday greetings para kay Maine ang mga kapatid nitong sina Nico, Coleen, at Dean Mendoza.

Kasama ni Nico ang kanyang pamilya sa video, at pagbati nito, “Hi, Maine! Maraming salamat sa pagpapasaya mo sa family natin.

“And sana marami ka pang mapasayang tao in the future. Mahal ka namin. Happy birthday!”

Si Coleen naman ang sumunod kasama rin ang kanyang pamilya.

Sabi ni Coleen sa kapatid, “Hi, Bits! Happy, happy birthday!

“Sana mag-enjoy ka ngayong birthday mo and always mong tatandaan na blessing ka sa amin. Sana i-bless ka pa ni Lord ng maraming, maraming, marami. We love you!”

Solo naman si Dean na nagbigay ng kanyang birthday message.

Sabi nito, “Hi, Maine! Happy, happy birthday! Maraming-maraming salamat sa mga bagay-bagay na ginagawa mo para sa amin.

“Mag-enjoy ka ngayong araw. Lagi mong tatandaan nandito lang kami para sa iyo. Happy birthday!”