Emosyunal ang kaibigan at kasama sa trabaho ni Jaclyn Jose, ang assistant director na si Jo Macasa, dahil sa biglaang pagpanaw ng beteranang aktres.
Magkikita pa raw sana sila kahapon, March 3, 2024, pero nagulat na lamang siya nang nabalitaan niyang pumanaw na ang aktres.
Emosyunal na mensahe ni Jo sa kanyang post: “We had a good talk last Thursday and I was supposed to see you last night. I waited at the Cinema but you never came.
“And never will you return. Because the day that I was going to see you was the same day I lost you.
“I will miss you so much, Tita Jane. Forever and ever my best actress, best ally and best friend.”
Sinamahan din niya ang post ng screenshots ng kanilang pag-uusap:
Noong February 29, nag-usap silang manood ng sine sa The Uptown Tempur Cinema, ang luxurious bed cinema sa bansa na matatagpuan sa Bonifacio Global City, Taguig City.
Plano rin nilang kumain pagkatapos manood ng sine.
Nai-book na rin nila ang kanilang tickets.
Pero hindi sumipot ang aktres sa kanilang usapan, dahil inatake pala ito sa puso noong March 2, 2024.
Kumalat ang balitang pagkasawi ni Jaclyn kahapon, March 3, 2024.
Kinumpirma ni Andi Eigenmann, anak ni Jaclyn sa namayapang aktor na si Mark Gil, ang pagpanaw ng ina sa pamamagitan ng isang press statement ngayong Lunes, March 4.
Maraming celebrities ang nagpaabot ng kanilang pakikiramay at pagbibigay-pugay sa pumanaw na showbiz icon.