Aubrey Miles at Troy Montero, hubad kung matulog sa hotel room

aubrey miles troy montero fast talk

Aubrey Miles on importance of intimacy in relationship with husband Troy Montero: “It’s one of the fun part of the relationship. It’s important, maybe not necessity na kailangan lagi kang sexy. Para sa amin, it’s a fun thing to do.”

PHOTO/S: GMA NETWORK
Ang pagiging komportable ng mag-asawangAubrey Miles at Troy Montero sa pagpapakita ng hubad na katawan sa kanilang mga personal pictorial ang isa sa mga tinalakay sa guesting nila sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Martes, Marso 12, 2024.

Pagkagulat ang reaksiyon ng host na si Boy Abunda nang sabihin ni Troy na tuwing bumibiyahe sila ni Aubrey, hubad sila sa kanilang tinutuluyang hotel room.

Kahit hindi tinatanong, boluntaryong sabi ni Troy, “Whenever we travel , of course kapag kaming dalawa lang, we’re always naked sa hotel.”

Umayon si Aubrey sa rebelasyon ni Troy.

Sabi ng aktres, “Kapag walang bata, oo.

“Hindi kami nagdadala ng pangtulog kasi natutulog kami naked. Or kung merong robe, kasi may robe naman. Kapag wala, e, di wala.

“Natutulog kami na naka[hubad]. Normal lang.

“Even sa bathroom, we talk, nakahubad, nag-uusap.”

Hindi rin nangimi si Aubrey na ipagtapat na siya ang madalas “mangalabit” kay Troy, pero may isang insidente raw na tinanggihan siya ng kanyang asawa. “

Kuwento ni Aubrey, “One time, nung medyo nasa tenth year na kami, parang nag-no siya.

“Sabi ko, ‘Why?’

“Sabi niya, ‘You’re too sexual for me. Every night na lang!’

“Sabi ko, ‘Yes!'”

Itinanggi naman ni Troy ang kuwento ni Aubrey.

Aniya, “I can honestly say I cannot really remember.”

Para kina Aubrey at Troy, importante ang intimacy sa relasyon nila.

Paliwanag ni Aubrey, “It’s one of the fun part of the relationship.

“It’s important, maybe not necessity na kailangan lagi kang sexy.

“Para sa amin, it’s a fun thing to do.”

Noong Marso 2018, gumawa ng ingay at pinag-usapan ang nude pictorial nina Aubrey at Troy sa isang wellness resort sa Lipa City, Batangas.

Ikinuwento ng mga empleyado ng wellness resort na dahil sa nude pictorial nina Aubrey at Troy, marami sa mga guest nila ang humiling na ilagay sila sa villa na tinuluyan at pinangyarihan ng nude pictorial ng mag-asawa na walang malisya sa paghuhubad.