Carla Abellana addresses alleged rift with dad Rey “PJ” Abellana: “He is still my father.”

Nag-react si Carla Abellana sa isyung hindi umano sila nag-uusap ng kanyang ama, ang aktor na si Rey “PJ” Abellana.

Si Carla ay anak ni Rey sa dating nakarelasyong si Rea Reyes, na dati ring artista.

Nito lamang October 2023, nagkaroon ng interview si Rey sa isang vlog at natanong muli ukol sa relasyon nila ni Carla.

Tahasang sinabi ni Rey na ayaw makipag-usap sa kanya ni Carla pagdating sa breakup ng anak sa estranged husband nitong si Tom Rodriguez.

Carla Abellana

Si Rey kasi ang nilapitan ni Tom noon para hingan ng tulong na magkaayos sila ni Carla.

Pero ayaw raw ni Carla na makipag-usap sa amang si Rey, na ang gusto ay magkabalikan ang anak at si Tom.

“Hindi po halos na-patch up yon. Nalipasan ng panahon,” sabi ni Rey ukol isyung ito sa interview ng entertainment writer na si Morly Alinio.

Hindi raw nila napag-usapan ni Carla ang tungkol kay Tom dahil ayaw mag-open up sa kanya ng sariling anak tungkol sa breakup.

Ngayong Huwebes, November 9, 2023, nagsalita si Carla nang makausap ng media sa press conference ng upcoming GMA-7 afternoon drama series na Stolen Life.

Sabi ni Carla ukol sa relasyon nila ng ama, “Hindi lang pa po kami nagkikita.

“Ang tagal na po naming di nagkita, pero tine-text ko po siya. Nagre-reply naman po siya.”

Binati raw niya si Rey noong Father’s Day (June 2023) at sa birthday nito (September 2023). Sumasagot naman daw sa kanya ang ama.

Sabi pa ni Carla, “Wala naman po [tampo]. Kasi kung may tampo, hindi naman po siya magre-reply. And hopefully we’ll see each other.”

Lumapit ang PEP.ph kay Carla matapos ang interview sa kanya ng press. Inusisa namin si Carla sa pahayag ni Rey na hindi sila nag-uusap.

PHOTO: Bernie Franco

Sagot ng Kapuso actress, “We don’t talk [because] we haven’t seen each other. But we text each other po.

“Katulad po nung Father’s Day, pati po nung birthday niya [September 2], tine-text ko naman po siya.

“I don’t forget to greet him on special occasions like that. So, he replies naman po. He says, ‘Thank you,’ ‘I love you,’ ‘I miss you,’ may ganun naman po.

“Hindi pa po kami nagkikita and hindi pa po kami talagang nagkakausap. Pero at least, yung ganon po, we still communicate naman po.”

Giit ni Carla tungkol sa kanyang ama, “He is still my father. I respect him. Daddy ko po yan. Si Papa yan, e.

“At the end of the day, he’s my father. So, family is family. Yun ang importante.

“I am still his daughter. So, I don’t forget naman to greet him and respect him and reach out to him.”

Noong March 2022, nagbigay ng pahayag si Rey sa isang interview ukol sa dahilan ng paghihiwalay nina Carla at Tom.

Inamin noon ni Rey na tinawagan siya ni Carla, na nagalit dahil sa pagpapa-interview ng aktor tungkol sa dahilan ng breakup ng anak at ni Tom.

Rey 'PJ' Abellana

Sabi noon ni Rey, “She was mad, she was questioning me why I came up that way.

“Of course, I explained it to her right away, and after my explanation, explaining my side, hindi na naman siya nag-message na uli.”

Sinabi kasi noon ni Rey sa interview ang tungkol sa diumano’y one-night stand ni Tom na isa sa mga dahilan ng paghihiwalay nila ni Carla.

Binawi ni Rey ang sinabi niyang ito sa sumunod na interview.

Sinabi raw ni Tom sa kanya na hindi natuloy ang one-night stand na iyon. Hindi raw naipaliwanag nang mabuti ni Rey ang isyung ito sa naunang interview at na-misinterpret umano siya.

Ang Stolen Life ay pinagbibidahan nina Carla, Beauty Gonzalez, at Gabby Concepcion. Magsisimula itong umere sa GMA-7 sa Lunes, November 13.