Carla Abellana asked what if she bumps into ex-husband Tom Rodriguez: “Wala na akong mararamdaman…”

Hindi nagpatumpik-tumpik si Carla Abellana sa pagsagot sa mga kontrobersiyal na tanong ng press.

Sinagot niya maging ang personal questions, partikular ang failed marriage niya with fellow Kapuso star Tom Rodriguez.

Nitong Martes, September 26, 2023, pumirma ng kontrata si Carla sa All Access to Artists o Triple A Management matapos umalis sa poder ng longtime manager niyang si Popoy Caritativo.

Ang Triple A rin ang namamahal sa career nina Marian Rivera at Maine Mendoza.

The Wedding Album: Carla Abellana and Tom Rodriguez | PEP.ph

Sa presscon proper, binato ng personal questions si Carla na diretso niyang sinagot.

Carla Abellana asked if she regrets getting married: “Yes… nagsisisi ako.” Does Carla Abellana still believe in love after breakup with Tom Rodriguez? Tom Rodriguez at Carla Abellana, patuloy ang pagharap sa buhay pagkatapos maghiwalay IS CARLA READY TO BE FRIENDS WITH TOM?

May mga usaping babalik na si Tom sa Pilipinas mula sa U.S. at magiging aktibo muli sa showbiz.

Dahil pareho silang nasa bakuran ng GMA-7, handa na ba si Carla na makasalubong kung saka-sakali ang kanyang ex-husband?

Carla Abellana

Sagot ng aktres, “Hindi naman po maiiwasan po iyon, dahil yun nga po, same industry po kami, bilang artista, yun nga po GMA pa po, nagkataon po.

“Inevitable po yon. Of course, matagal ko na pong naisip yon. Na-prepare ko yung sarili ko.

“Parang wala na po. Wala na akong mararamdaman kung sakali man pong mangyari yon or kung mangyari man na po yun…

“Pag dumating na yung araw na iyon, hindi na po. Wala na po.

“At least, kumbaga, kilala ko po ang sarili ko, parang ganon po.

“Confident na po ako na hindi naman po ako parang magpa-panic or matatakot o malulungkot, parang ganon.

“Ako naman po ay napaka-professional na tao. So, kung sakaling nasa studio po siya, o kunwari ay may show po, kung nandun po siya, wala pong problema. Kumbaga, trabaho lang po.”

Willing ba siyang unang bumati kapag nagkasalubong sila ni Tom?

“Ayoko po!” mabilis na sagot ng natatawang si Carla.

“Ayoko po because andami ko pong inaatupag, kailangang isipin.

“Hindi naman po. I don’t see the need [to greet first]. I don’t think it’s necessary na magkaroon pa na ganong initiative, attempt, o reach out.

“Hindi naman po kailangan. Hindi na po manggagaling sa akin,” makahulugang sagot ni Carla.

PHOTO: Bernie Franco

Carla Abellana (2nd from left) with execs of Triple A Talent Management: (L-R) Michael Tuviera, CEO and president; Jacqui Cara, head of operations; and Joe Oconer, COO and chief finance officer.

October 2021 nang ikasal sina Carla at Tom matapos ang seven-year relationship.

Subalit nagulat ang publiko nang mapabalita ang kanilang breakup noong January 2022, o tatlong buwan lamang mula nang ikasal sila.

Wala ring kagatul-gatol si Carla nang sumagot sa tanong kung naka-move on na ba siya mula sa paghihiwalay nila ni Tom.

“Oo naman po. Definitely,” tugon niya.

“Nahanap ko na po yung aking peace, yung talagang nasara ko na po yung chapter na iyon ng aking buhay.

“Lagpas-lagpas pa po, kumbaga, sa pagmu-move on. So, masayang-masaya po.

“Definitely masaya po ako ngayon sa buhay ko. I’m happy where I am pati po sa kung sino ako today.”

Inusisa rin si Carla kung handa na ba siyang maging magkaibigan sila ni Tom.

Hindi raw isinasarado ng aktres ang posibilidad.

Paliwanag niya, “Yung mga hindi nga natin akalain na hindi posible, nangyayari po. Yung mga akalain nating mangyayari, hindi nangyayari.

“Kumbaga, sa buhay po, napakadami pong kaganapan na unpredictable. So, ayoko pong… kumbaga, tuldukan o maging definite sa anumang bagay. So, anything can happen.

“So, wala po akong gustong i-finish, i-finalize, i-set…”