Charlie Dizon says her parents approve of boyfriend Carlo Aquino

Charlie Dizon on boyfriend Carlo Aquino being welcomed by her family: “Na-meet na nila before sa Star Magic U.S. tour. And there’s one time na may U.S. tour si Carlo, pumunta siya mag-isa. Na-meet naman niya.” 

PHOTO/S: RACHELLE SIAZON / @JOSE_LIWANAG INSTAGRAM

Boto ang mga magulang ni Charlie Dizon, 27, sa boyfriend niyang si Carlo Aquino, 38.

Ito ang ikinuwento ni Charlie sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ang presscon ng Pira-Pirasong Paraiso sa Studio 10 ng ABS-CBN noong Miyerkules, January 17, 2024.

“Ay, love na love nila si Carlo!” nakangiting saad ni Charlie.

Kasama ni Charlie si Carlo na nagbakasyon sa Los Angeles noong nakaraang holiday break, at doon ay na-meet ni Carlo ang buong pamilya ng aktres.

Nakabase sa U.S. ang mga magulang ni Charlie pati na rin ang kanyang mga kapatid.

“Sobrang saya kasi nandun yung family ko. First time namin nag-Christmas na kumpleto talaga in 12 years, kaya iba itong trip na ito.

“And of course, kasama ko si Carlo. Sobrang saya na magkakasama lahat in one place lahat ng mahal ko sa buhay.”

Ayon pa kay Charlie, hindi iyon ang unang pagkakataon na na-meet ni Carlo ang kanyang mga kapamilya.

Noong Star Magic U.S. Tour noong 2022 ay naipakilala na raw ni Charlie si Carlo sa kanyang mga magulang.

Dagdag ng dalaga, “And there’s one time na may U.S. tour si Carlo pumunta siya mag-isa. Na-meet naman niya.”

FAMILY BONDING

Nitong nagdaang Pasko, ibinahagi pa ni Charlie na na-enjoy niya ang simpleng pagsasama-sama at kuwentuhan nila ng mga kapamilya, lalo na ng tatlong kapatid niyang babae.

“Siyempre Christmas sa bahay pa rin namin. Kasi kahit saan namang lugar basta kasama mo sila.

“Kahit mag-grocery lang ako kasama ng pamilya ko masaya na ako, e. Lahat kami sasama sa kotse. Ganun kami ka-excited na magsama-sama.

“Tapos this time matatanda na kami. Mga ate ko may mga sari-sarili ng pamilya so ibang phase na ng buhay kaya mas nakaka-touch.

“And lahat kami may isip na talaga, iba-iba na yung pinagdadaanan.”

Sila raw ng mga ate niya ang original “four sisters,” pagtukoy ni Charlie sa pinagbidahang Four Sisters Before The Wedding, ang prequel ng sikat na family movie na Four Sisters And A Wedding.

CARLO AQUINO AND CHARLIE DIZON RELATIONSHIP TIMELINE

December 2022 nang unang maiulat ang pag-post ni Carlo ng litrato nila ni Charlie, at naging hudyat iyon ng espekulasyong nagkakamabutihan sila.

Kalaunan, mas naging madalas ang sightings nilang magkasama.

January 6, 2023 nang aminin ni Carlo na dating sila ni Charlie, at noong July 2023 tuluyang kinumpirma ni Charlie na sila na ng aktor.

FINALE OF PIRA-PIRASONG PARAISO

Samantala, bakas ang pagka-flattered ni Charlie nang ihayag ni Rosanna Roces sa presscon ng Pira-Pirasong Paraiso na nalaman daw nito kung bakit naging Best Actress sa Metro Manila Film Festival 2020 si Charlie.

Co-stars sina Charlie at Rosanna sa Pira-Pirasong Paraiso, ang Kapamilya afternoon drama series na magtatapos sa January 27.

“Grabe kilig na kilig ako!” bulalas ni Charlie, na ang tawag kay Rosanna o Osang ay Ms. O.

“Nung sinabing si Ms. O ang bossing namin, kabang-kaba nga ako sa kanya. Ta’s ako unang kaeksena ni Ms. O.

“Sabi ko sa kanya, ‘Ms. O, nalulunod ako sa mata mo.’ Sabi nga niya sa akin, ‘Para kang natatae.’

“So, talagang ganun yung effect ni Ms. O din, so nakakakilig!

“Ang saya na lahat kami naging close kay Ms. O. Sobrang maalaga siya, pinakita niya sa amin yung pagka-mother figure niya.”

Si Charlie ay gumaganap bilang Diana, isa sa Paraiso sisters, habang si Rosanna ay si Criselda, ang latest addition sa cast na nagpapahirap sa buhay ng mga magkakapatid.

Bida sa serye sina Loisa Andalio, Elisse Joson, Alexa Ilacad, at Charlie.

Dagdag ni Charlie, “Mami-miss ko sila lahat. Sobrang proud na natapos namin itong show na ito. Lahat kami masaya sa ginawa namin.