Christine Bermas, inaming may nawala sa kanya nang magka-boyfriend

Buong ningning na inamin ni Christine Bermas na hindi na siya virgin ngayong may boyfriend na siya.

Ipinagmamalaki noon ng Vivamax sexy actress na “No Boyfriend Since Birth” nang pumasok siya sa showbiz.

Ngayong 21 na siya, saka pa lang siya nagka-boyfriend, at si Nico Locco na nga ito.

Nakapanayam namin si Christine sa DZRH nung Miyerkules, June 6, para sa promo ng pelikulang Hilom na mag-i-streaming sa Vivamax sa Biyernes, June 9.

Tinanong namin sa sexy actress kung paano niya paghilumin ang sugat sa puso sa isang relasyon.

Sabi ni Christine, hindi pa niya naranasang ma-heartbroken dahil first boyfriend nga niya si Nico.

“To be honest po talaga. Totoong-totoo. Never pa po ako naka-experience ng mga heartache like broken-hearted ganun, hindi ko pa na-experience.

“Hindi ko pa na-experience yung parang nasaktan,” sabi ni Christine.

Natigil sandali si Christine at matagal bago nakasagot nang sinundan namin ng tanong kung napanatili pa rin ba niya ang virginity niya ngayong may boyfriend na siya.

“Hindi na ako sumagot, kasi sinabi ko naman before pa lang nung pumasok ako.

“Siyempre, may dyowa naman na ako. Ikaw naman, o! Siyempre ngayon, hindi na, kasi may dyowa na tayo, e!” natatawa niyang sagot.

JERRY OLEA

Ano ang nakita ni Christine kay Nico, bakit sinagot niya ang panunuyo ng Italian actor?

Ani Christine, “Until now hindi ko pa po ma-explain sa self ko. Pero the only thing na nakikita ko sa kanya, even though foreigner siya… alam mo yung parang pusong-Pinoy siya, yung ganun.

“Hindi ko sinasabi na ganun porke’t boyfriend ko siya, pero good heart talaga siya.

“Hindi lang siya yung parang boyfriend for me, alam mo yung parang gina-guide niya ako sa life ko, sa career ko. Siyempre same kami ng career path, so parang alam mo yung feeling na hindi mahirap for you na gawin yung job ko.

“Kasi naiintindihan niya, at naiintindihan ko rin yung job niya.”

Hindi naman daw siya ang tipong itinodo na ang lahat na pagmamahal niya kay Nico.

“Nagtira pa rin naman ako sa self ko. When it comes to love, hindi naman talaga ako nagbibigay ng hundred percent ng love. Katawan lang!”

NOEL FERRER

Isinama ni Christine si Nico sa Palawan para ipakilala sa magulang niya.

“Kasi, before talaga nag-usap kami ng parents ko, ng mama at papa ko na pag nagpakilala ako sa kanila, dapat daw yun na. Yun na talaga.

“Pero ako, hindi ko naman masabi sa self ko na siya na talaga. Wala akong in-introduce sa kanila na guy, si Nico pa lang.”

Pinayuhan na lang daw siya ng magulang niya na i-enjoy na lang muna ang relasyon nila ni Nico. Walang pressure na dapat ito na ang lalaking pakakasalan niya.

“Hindi naman sila natakot for me. Medyo binigyan nila kami ng advice na enjoy lang muna namin yung life namin, huwag munang magmadali, i-help namin yung isa’t isa, alagaan namin yung isa’t isa, and kung magiging kami naman talaga in the future, e di magiging kami talaga.

“But as of now, enjoy muna yung life namin and i-love lang daw muna namin yung isa’t isa.”