CIDG confirms Catherine Camilon’s parents DNA profile matched with hair, blood recovered from abandoned vehicle

DNA profile of Catherine Camilon's parents matched with hair, blood samples recoveredMiss Grand Philippines 2023 candidate Catherine Camilon still a missing person as per police authorities

Nag-match ang DNA ng mga magulang ni Catherine Camilon sa mga hibla ng buhok at dugong na-recover sa isang abandonadong sasakyan sa Batangas.

Ito ang kinumpirma ni CIDG director Police Major General Romeo Caramat Jr. sa ulat ng 24 Oras ngayong Lunes ng gabi, November 20, 2023.

Ayon kay Major General Caramat, “Hair strands and other blood na nakita doon sa sasakyan ay nag-match doon sa DNA profile na naibigay ng magulang ni Miss Catherine Camilon.”

Tumugma rin daw ito sa mga naging pahayag ng mga saksing kanilang nakausap.

Dagdag ni Caramat, “Yung mga witness natin ay hindi nagsisinungaling.

“There is a corroborative evidence na yung nakita nilang babae na binubuhat ng mga suspects natin ay certainly si Miss Camilon yun.

Catherine Camilon on PEP.ph

“Mas bumigat yung kaso na isinampa natin doon sa mga suspects dahil nga nagtutugma ang mga sinasabi ng mga witnesses natinin.”

Patuloy pa ring mangangalap ng forensic evidence ang mga pulis na magdidiin sa suspects.

Ayon pa kay Caramat, “Our PNP Forensic Group chemists are trying to examine pa para makapag lift ng finger prints doon para i-match doon sa mga nasampahan natin na mga suspects.”

Cop person of interest in Catherine Camilon's disappearance, in a relationship with her: Calabarzon police • l!fe • The Philippine Star

Nauna nang sinampahan ng kidnapping at serious illegal detention ang prime suspect na si Major Allan De Castro at tatlong iba pa.

Inamin ni De Castro na may relasyon nga sila ng nawawalang Miss Grand Philippines 2023 candidate.

Nahaharap din siya sa dismissal bilang pulis.

Sa ngayon, missing person pa rin kung ituring ng CIDG si Camilon.

Patuloy naman silang umaasa na mahahanap na buhay ang beauty queen na naiulat na nawala noon pang October 12, 2023.